Legacy ni Ricky Davao: Mas gustong maalala ng publiko bilang ‘tao’

Ricky Davao, Ara Davao at Rikki Mae Davao
MORE than the awards and recognitions na natanggap niya bilang alagad ng sining, mas gusto ni Ricky Davao na alalahanin siya ng publiko bilang isang tao.
Sa loob ng apat na dekada, napatunayan ng namayapang aktor ang kanyang versatility sa pag-arte, idagdag pa ang kanyang pagpasabak sa pagdidirek ng teleserye at pelikula.
Ngunit ayon nga sa anak ni Ricky na si Ara Davao, mas nais daw ng aktor na ang maiwan niyang legacy sa entertainment industry ay kung paano niya minahal, pinahalagahan at nirespeto ang mga taong nakasama niya noong nabubuhay pa.
“Well, siyempre very proud siya sa mga awards niya, movies na ginawa niya for over 40 years.
“Sa lahat ng medium, whether sa stage, TV, films like ginagawa niya yung best niya in every role. But I think ‘yung legacy talaga niya was the person he was,” ang pahayag ni Ara sa panayam ng media.
Aniyaz, halos lahat ng dumalaw sa lamay ng namayapang ama ay may kanya-kanyang nakakatuwa at nakaka-inspire na kuwento about him.
“Ang dami niyang friends, kahit hindi ko na sila kilala lahat yung lumalapit, ‘Oh my gosh, your dad was very good to us. He never forgot us. Lagi siyang nandiyan, life of the party, masayahin,'” saad ni Ara.
View this post on Instagram
Sa mga huling araw daw ni Ricky sa mundo ay palaging tine-text ni Ara ang ama ng “I love you” at “Goodnight.” Tinawag din niyang “stage father” ang ama noong pasukin na rin niya ang showbiz.
“Hindi kami masyado yung, ‘I love you, I miss you’ yung ma-words pero ano siya, super acts of services.
“And then kahit anong gawin ko like sa school and then nu’ng nag-showbiz ako sobrang stage father,” pahayag pa ng aktres.
Pumanaw si Ricky Davao nitong nagdaang Labor Day, May 1, “due to complications related to cancer.” Siya ay 63 years old.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.