Leandro Baldemor super fan ni Joel Malupiton: Bilib na bilib ako sa kanya

Joel Malupiton at Leandro Baldemor
PURING-PURI ng aktor na si Leandro Baldemor ang content creator na si Joel Malupiton matapos niya itong makasama sa isang acting project.
Nagkaroon ng special appearance ang actor-sculptor sa pelikulang pinagbibidahan ni Joel Malupiton na mapapanood daw sa Netflix. Nakasama rin daw niya sa movie ang dating sexy star na si Aleck Bovick.
“Tinanggap ko siya dahil nagustuhan ko yung bida. Kasi si Joel Malupiton, yung nagba-vlog, magaling siya. Kasi pinapanood ko.
“Ngayon, sinabi sa akin nu’ng producer na, ‘Cameo role ka lang,’ ganito-ganyan. Sabi ko, ‘Sino’ng bida?’
“Ngayon, sinabing si Joel. E, gusto ko yung attitude niya. Actually follower niya ako,” masayang kuwento ni Leandro nang bisitahin siya ng BANDERA sa kanyang tahanan sa Paete, Laguna kasama ang ilan pang members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Kumusta namang katrabaho si Joel lalo’t baguhan pa lamang ito sa larangan ng aktingan? “Magaling, oo! Pro! Bilib ako du’n, saka hindi lang siya, yung grupong Malupiton mismo!
“Makukulit yung bata. Tapos sabi ko nga sa kanila…E, siyempre, pag grupo, minsan kasi naghihiwa-hiwalay yan, e, di ba?
View this post on Instagram
“Sabi ko, dati namang wala, walang offensive na ano yun, ha! Basta sabi ko, ‘Dating wala, nagsisimula kayo, pagbutihin n’yo yung grupo n’yo.
“Sabi ko nga, as kuya, as tito, ang sabi ko, e, ‘Huwag kayong masilaw sa pera! Hayaan nyo yung pera ang humabol sa inyo. Diretso nyo lang yan, saka yung samahan n’yo.’
“Kasi hindi ako ganu’n kagaling, pero sa tagal ko na rin naman sa industriya, 30 years na siguro almost, sabi ko sa kanila, ‘Basta, huwag kayong masilaw sa pera.
“‘Kasi minsan, pag silaw sa pera, ipaghihiwalay nyo yan, e. So mas maganda, intact kayo. Diretso n’yo lang yung pagpapasaya sa tao. Yun, hahabulin na kayo ng pera!’” aniya pa.
Sundot na tanong sa kany kung may pagkakataon bang nasilaw siya sa pera, “Meron, kasi, yung asawa ko mismo ang nagsasabi sa akin na, ‘O, nag-iiba ka na.'” Ang tinutukoy ni Leandro ay ang asawang si Venus.
“Mabuti na lang, nandiyan yung asawa ko na gumagabay. Kasi minsan, pag ayaw mo nang pakinggan yung iba, at akala mo ikaw na yung pinakamagaling, ikaw na yung mali, e.
“Maling attitude, e. Dapat open ka pa rin, maging sensitive ka dun sa mga taong nasa paligid mo. Kamo yan ba ay ganito, ganito, ganyan? Dapat ganu’n pa rin.
“So yung asawa ko ang tagapagpaalala. Siyempre, tao lang ako! Tao rin naman ang asawa ko.
“Minsan ako rin naman ang nagsasabi sa kanya. So bigayan lang kami. Ang masama, kung parehas kayong sarado. Na, ‘Ito na tayo. Ito na tayo!’
“Pangit, e. Kasi hindi mo nalalaman na nakasakit ka na pala. Kaya lagi kong ipinagdadasal na, ‘Sana po, huwag akong makasakit. Huwag akong makasaling sa tao.’
“Kasi napakabilis ng panahon! Pag itong edad natin, singkuwenta na ako, isipin mo, di ba? So napakabilis ng panahon, hindi mo masasabi na… e, huwag naman!” aniya sabay knock sa wood sa kaharap na table.
“Kasi, yung mga bata ngayon, hindi ko masabing bata pa rin ako, pero iilang taon na ang ii-stay mo dito? I-enjoy mo na, di ba?
“Sabi ko nga sa asawa ko, ‘Pag may mga tampuhan tayo, may ano, naku! Ipagpaliban na lang natin!’ Kasi, alam kong ano lang agad tayo. Halimbawa ako, galit, o ikaw, galit. Iano na lang natin, ayusin na lang kaagad.
“Sayang, e. Oras, maghapon ka galit. Dalawang araw, tatlong araw. Sayang! Mag-loving-loving na lang tayo!” mariin pa niyang sabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.