Carmi Martin: Sana ang mga boboto ay ‘yung mga taxpayer talaga!

Carmi Martin, Jaime Fabregas at Akihiro Blanco
“ANG wish ko ngayong eleksyon, sana ang mga boboto ay ‘yung taxpayers talaga kasi alam nila kung sino ang nararapat kasi pinag-iisipan nila talaga.”
Iyan ang opinyon ni Carmi Martin nang hingan kung ano ang masasabi niya sa nalalapit na Eleksyon 2025.
Dagdag ng aktres, “Tayong mga taxpayers kasi alam natin kung sino ang dapat.”
Ilang beses na rin itong pinagdedebatihan sa mga umpukan sa apat na sulok ng showbiz, na ang karapat-dapat na maupong kandidato ay ‘yung makakatulong para mapaunlad ang bansa at hindi masayang ang mga buwis na ibinabayad ng bawa’t mamamayan.
Anyway, sa nakaraang mediacon ng pelikulang “Isang Komedya sa Langit” mula sa direksyon ni Roi Paolo Calilong ay sinabi ni Carmi na nagustuhan niya ang kuwento dahil nandoon ang paggalang ng mga kabataan sa kanilang magulang.
“Ang nawawala kasi ngayon sa kabataan yung mga values, paggalang sa kapwa, sana maibalik pa rin ‘yon kasi nano-notice ko ngayon sa mga kabataan ngayon is I, me, myself.
“Puro sila social media, likes na makukuha doon na nila hinahanap ‘yung worth nila hindi na ‘yung pakikipagkapwa-tao, sana iyon ang mabalik,” saad ng beteranang aktres.
Napansin pa raw ni Ms. Carmi sa mga kabataang artista ngayon ay dedmahan sa set.
View this post on Instagram
“Walang nag-uusap-usap. For example, after ng take, kanya-kanya ng cellphones ‘yan. Kaya ako mismo ang bumabangka (para may interaction).
“Kasi nabu-bore na rin ako. Bumabangka ako. Kinakausap ko sila. ‘Yun ang nawala. Puro cellphone na lang. It’s either I would like to ask to do a deep talk, wala ‘yung getting to know each other,” sentimyento ng aktres.
Lumalabas daw kasi na walang pakialam ang younger generation ngayon sa co-actors nila.
“Sana maging kusa sa mga actor, most especially the young generation, medyo kilalanin naman nila ang mga artista at makipag-usap.
“Noon naaalala ko, hindi ba wala naman cellphone, social media, nag-uusap naman mga tao. ‘Yun ang nami-miss ko sa set,” sabi pa ni Ms. Carmi.
Kuwento pa niya, kapag ang isang batang artista na nahihirapang umarte ay willing i-workshop ng aktres.
“Part of the workshop talaga is kilalanin mo ‘yung co-actor mo. Kasi nakakatulong ‘yun. Ako, I’m very generous with that.
“Kapag may crying scene pa nga sinasabi ko, gusto mo ng tulong, ako magaling ako magpaiyak.
“Alam mo eksena mo to, this is your moment. Ako, I’m very generous with that. At ang isang sikreto du’n kapag hindi ka kumportable sa co-actor mo, kasi hindi kayo nag-uusap, nenerbyusin ka (at) ‘yung rapport na sinasabi.
“Du’n nga sa libro na binasa ko sa acting workshop, even ‘yung set, hindi yung bigla uupo ka na lang du’n. Nanamnamin mo, minsan may mga nuances na tumitingin ka kasi naaalala mo nakaupo ‘yung lola mo du’n,” aniya.
Samantala, lola ang karakter ni Ms. Carmi sa “Isang Komedya sa Langit” at hiniling niya sa producer na si Ms. Rossana Hwang, sana raw ay maganda siyang granny kasi siya naman ang haharap sa kamera.
“Happy naman ako with this project, my first time to play a lola. Even if limited lang ang shooting days namin, I made it a point to really coordinate with our producer.
“I want to make sure that I’m happy with my look in this film. I also want to make sure that we will no longer make the necessary adjustments when we get to the set. I want to make sure, as an actor who have been in the industry for a long time, I came prepared and happy with my look.
“I hope I get to inspire lolas to be funky and sexy. I got to really enjoy portraying my role as lola Naty. The lolas now still have significance in their lives, community and society,” paglalarawan ni Ms. Carmi.
Dagdag pa niya, “Napukaw (gustung-gusto) akong gawin ang pelikula, because I find it ‘half-half.’ May historical values pagkatapos ‘yung akala nila napunta sila heaven, nag-time travel which du’n ako natawa nu’ng nabasa ko ang script.
“’Yung tatlong priest na galing sa nakaraan, learning how to cook, so many things na modern times. Ako when I read the script natawa ako du’n. It’s a light movie, it has historical and time travel,” say ng seksing lola.
* * *
Tungkol pa rin sa “Isang Komedya sa Langit”, isinulat ito ng Kapitana Entertainment Media producer na si Rosanna Hwang at isang period movie sa panahon ng mga Kastila, taong 1872.
Sabi ni Rossana, “I want my story to be told to everyone. I’m very, very grateful to director Roi (Paolo Calilong), as well as the lead cast, Carmi Martin and Jaime Fabregas.
“When Carmi was invited for the role of modern-day character of Lola Naty, originally offered to Nova Villa who was not available, Carmi demanded a look-test.
“I changed my whole wardrobe look for the lola character. Carmi made me change my mind. I made her a funky lola.
“She was very cooperative with everything. She studies her lines. She made me very happy. I know she’s used to work with big productions, but she gave our humble production a chance. I thank her for lending her presence to this movie,” aniya.
Ang “Isang Komedya sa Langit” ay pinangungunahan nina Jaime Fabregas as Father Emmanuel Garcia, Edgar Allan Guzman bilang si Father Juan Borromeo, Gene Padilla sa karakter na Father Javier Salas at John Medina bilang si Father Paolo Pascual. Si Akihiro Blanco ay kapatid ni Brother Marco.
Noong July 2024 pa ito nai-shoot ayon kay direk Roi at hindi siya nahirapang gawin ito. “Nothing was difficult to combine comedy, faith and love for country. We are like that as Filipinos, even if we have different religions or provinces, we are always a happy bunch. Always grateful,” say ni Direk Roi.
Mapapanood na ito sa Mayo 28 sa selected SM cinemas at PG ang rating mula sa MTRCB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.