ChiKapalaran (May 5-May 11, 2025): Alamin ang iyong horoscope

ChiKapalaran (May 5-May 11, 2025): Alamin ang horoscope n’yo ngayong linggo

Ervin Santiago - May 05, 2025 - 05:00 AM
ChiKapalaran (May 5-May 11, 2025): Alamin ang horoscope n'yo ngayong linggo

LUNES na naman mga Ka-Bandera kaya siguradong nagkukumahog na naman kayo sa paghahanda sa pagpasok sa school at opisina.

Drink muna tayo ng coffee, milk o ng inyong favorite partner tuwing umaga habang binabasa ang iyong ChiKapalaran for this week from your  resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo but colorful and exciting life.

Alamin here ang iyong horoscope ngayong linggo. Gow!

ARIES (March 21-April 19)

Beautiful ang pasok ng week na ito for you dahil ang hinihintay na request mula sa iyong boss ay maa-approve na. Magagawa mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap na project na siyang magdadala sa iyo sa tagumpay.

Lucky Color: White
Lucky Number: 10
Swerte Meter: 5 Stars

TAURUS (April 20-May 20)

Besh, huwag pairalin ang pagiging brat this week dahil baka ito ang maging sanhi ng pagbagsak mo. Keep your cool muna para iwas-kanegahan. Need mo siguro ang character development for today’s bidyow!

Lucky Color: Green
Lucky Number: 16
Swerte Meter: 2 Stars

GEMINI (May 21-June 20)

JuiceColoured! Netflix at hilata pa more sa house mars para tuluyan ka nang manigas d’yan. Ito na ang tamang panahon para magdesisyon kung ano talaga ang priority mo sa life. Hindi ka naman kasi rich tulad ng tropa mo kaya wag kang feeling.

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 14
Swerte Meter: 2 Stars

CANCER (June 21-July 22)

This is the moment! Ituloy na ang planong pagta-travel kasama ang mga friend. Iwan muna ang nakaka-stress na trabaho. Huwag ma-guilty sa paggastos dahil dasurve mong sumaya at pera mo naman yan, hindi mo ninakaw tulad ng mga buwayang politiko sa gobyerno!

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 25
Swerte Meter: 5 Stars

LEO (July 23-August 22)

Kung may planong kumprontahin ang tsizmosang workmate na kung anu-anong fake news ang pinagkakalat sa office n’yo about you, huwag mo munang ituloy.

Hindi magiging maganda ang plot twist sa career mo dahil posibleng mabaligtad ka pa. Ikaw na ang mag-adjust besh, nakakahiya naman kung sila pa, ‘di ba?

Lucky Color: Red
Lucky Number: 30
Swerte Meter: 3 Stars

VIRGO (August 23-September 22)

Tigil-tigilan mo na ang pagpapakamartir! Huwag ka nang magpagamit sa mga taong wala namang ambag sa buhay mo kundi ang magpalibre. You deserve better besh kaya say goodbye na sa mga kasumpa-sumpang “user-friendly” na yarn!

Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 5
Swerte Meter: 4 Stars

LIBRA (September 23-October 22)

Mars, hindi ka anak ni Henry Sy! Kaya stop na sa pagda-dialogue lagi ng “Deserve ko ‘to” tuwing sweldo. Mag-save ka na for the future dahil baka magising ka na lang one day – baon na baon ka na sa utang kaka-checkout mo!

Lucky Color: Yellow Green
Lucky Number: 40
Swerte Meter: 3 Stars

SCORPIO (October 23-November 21)

Mukhang matatanggap mo na ang pinakahihintay na balita mula sa ibang bansa. Good news ito sa ‘yo, besh bilang breadwinner. Itodo mo na ang lahat ng nalalaman mo at huwag na huwag magpapa-intimidate kahit kanino!

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 29
Swerte Meter: 5 Stars

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Feel na feel mo na ang pagsuko sa mga kinakaharap na challenges sa iyong buhay, pero besh hindi pa time para tapusin ang life story mo nang dahil lang sa mga taong nambabagsak sa ‘yo. Patunayan sa kanila na hindi ka nagpapatalo sa kahit anong klase ng laban! Fighting!

Lucky Color: Bloody Red
Lucky Number: 39
Swerte Meter: 4 Stars

CAPRICORN (December 22-January 19)

Mag-ingat sa mga taong pinagkakatiwalaan mo dahil abangers lang sila na magkamali ka para maagaw nila ang lahat ng meron ka. Obserbahan ang mga taong nasa paligid lalo na yung sobrang bait sa ‘yo na too good to be true na – meron diyang ahas na any moment ay tutuklawin ka!

Lucky Color: Purple
Lucky Number: 3
Swerte Meter: 4 Stars

AQUARIUS (January 20-February 18)

Kung ayaw mong magsisi sa huli, just grab the opportunity na matatanggap mula sa isang kumpanya. Mahirap magkaroon ng regrets and what ifs sa life.

Basta give your all at patunayang hindi ka basta-basta sumusuko sa kahit anong pagsubok. Pero huwag namang maging bida-bida dahil hindi ka naman si Jollibee! Gets?!

Lucky Color: Black
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 5 Stars

PISCES (February 19-March 19)

Sasagarin ang patience mo ng isang kaibigang wala nang ginawa kundi magpaawa effect at magdala ng problema sa iyo.

Huwag na siyang kunsintihin, ito na ang hinihintay mong chance na burahin na siya sa iyong life. Makikita mo, mas gagaan at mas magiging stress-free ang buhay mo.

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 60
Swerte Meter: 4 Stars

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palaging tandaan, ang mga nakasulat dito ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain. Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito. Char!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »