Doktor nagulat sa mabilis na 'healing' ni Ruru pero may babala

Doktor nagulat sa mabilis na ‘healing’ ni Ruru Madrid pero may babala

Ervin Santiago - April 28, 2025 - 07:00 AM

Doktor nagulat sa mabilis na 'healing' ni Ruru Madrid pero may babala

Ruru Madrid

MABILIS ang nagiging road to recovery ni “Lolong” lead actor Ruru Madrid mula sa kanyang natamong hamstring injury.

Ilang araw pa lang matapos siyang maospital, balik-taping na agad si Ruru para sa serye.

MABILIS ang nagiging road to recovery ni “Lolong” lead actor Ruru Madrid mula sa kanyang natamong hamstring injury. Ilang araw pa lang matapos siyang maospital, balik-taping na agad si Ruru para sa serye.

Kahit pa nga willing mag-adjust ang programa para makapagpahinga pa siya, talagang pursigido ang Kapuso actor na gumaling agad at makabalik sa serye.

Halos normal na nga ang trabaho nito sa set. Nakakalakad na siya nang maayos at hindi na kailangan ng wheelchair o saklay. Ikinatuwa naman ito ng kanyang doctor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Nagulat din po siya actually na sobrang bilis po ng healing. But siyempre, sabi niya huwag ka pa rin mag-i-stunts na magiging delikado at posibleng bumalik ‘yung injuries.

“Sabi niya at least, ipahinga mo itong linggo na ‘to tapos, try natin mag-MRI ulit. Kung healed na siya, mabibigyan na ako ng clearance,” say ni Ruru sa isang panayam.

Patuloy na tumutok sa “Lolong: Pangil ng Maynila,” Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Prime.

* * *

Pregnant nga ba ang Kapuso actress na si Kate Valdez tulad ng mga nababasa naming comments mula sa ilang netizens sa social media.

May mga nakapansin kasi na parang may pagbabago sa katawan ng dalaga nang mapanood ang isang video nito sa  TikTok kasama ang boyfriend nitong si Japanese content creator na si Fumiya Sankai.

Mapapakinggan sa joint post nina Kate at Fumiya ang bagong kanta ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na may titulong “Love Rock.”

Sa ilang bahagi ng video ay sweet na sweet sina Kate at Fumiya pero ang talagang napansin ng fans ay ang tila paglobo raw ng katawan ng Kapuso star.

Kaya naman kanya-kanyang assumption ang mga netizens, kabilang na ang mga komentong tila buntis daw ang dalaga. Ayon sa isang netizen, “Buntis siya halata” na sinundan ng smiley face emojis.

Hindi naman ito pinalampas ni Kate at agad tinuldukan  “Last year pa ‘yan ah! Kaloka kayo.”

Hirit pa ng Kapuso star, “E ‘di bulok na ‘yung bata sa (tiyan) ko, mga buang kayo.”

May isa namang netizen ang nagkomento ng, “‘Di pinapakita katawan ni Kate (why) po?” Sagot ng dalaga, “Kailangan ba? Di ako na-inform.”

Marami namang nagtanggol kay Kate at sinabing tama lang ang ginawa nitong pagsupalpal sa mga nagsabing buntis siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang panayam, inilarawa ni Kate ang relasyon nila ni Fumiya at tinawag pa niya itong “blessing” at “beautiful soul”, “The feelings are mutual and we are just both happy that we exist in this world.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »