Kate Valdez sa mga nagsasabing buntis siya: Mga buang kayo!

Kate Valdez naloka sa mga nagsasabing buntis siya: Mga buang kayo!

Pauline del Rosario - April 27, 2025 - 11:11 AM

Kate Valdez naloka sa mga nagsasabing buntis siya: Mga buang kayo!

PHOTO: instagram/@valdezkate_

PINABULAANAN na ni Kate Valdez ang mga chikang nabuntis siya ng boyfriend na si Fumiya Sankai.

Ito ay matapos mag-post ang dalawa sa kanilang joint TikTok account ng isang video na makikitang nag-eenjoy sila sa kantang “Love Rock” kasama ang kanilang pet dog.

Makikita na naka-dress si Kate habang naka-light blue shirt naman si Fumiya.

Baka Bet Mo: Netizens sa ‘real score’ nina Fumiya Sankai, Kate Valdez: ‘Sila na ba?’

@onigiri.lovers “Love Rock” OUT NOW❤️‍🔥⚡️ #onigirilovers #fyp #loverock ♬ Love Rock – FuMi

Hindi nakikita ang buong katawan ng aktres, pero may netizen na nagsabing: “Buntis siya halata.”

Naging agaw-pansin ito sa dalaga kaya sinagot niya ang nagkomento at para linawin na rin ang kumakalat na fake news.

“Last year pa yan ah! Kaloka kayo,” reply ni Kate.

Aniya pa, “Edi bulok na ‘yung bata sa tiyan ko, mga buang kayo [laughing emoji].” 

Kate Valdez naloka sa mga nagsasabing buntis siya: Mga buang kayo!

PHOTO: Screengrab from TikTok/@onigiri.lovers

Sina Kate at Fumiya ay halos isang taon nang magkarelasyon.

Kung matatandaan last year, ibinunyag nila sa isang panayam kung sino ang unang na-inlove sa kanila.

“I saw him as someone I want to keep as a very good friend. I don’t know if it’s toxic or what, but I have this belief that if someone is a friend, the relationship will last longer. So I don’t want to ruin that. But he’s the one who fell first,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna na ring chinika ni Kate na sila ay nasa semi-long distance relationship dahil si Fumiya ay nakatira pa rin sa Japan at umuuwi lang dito sa Pilipinas isang beses sa isang buwan.

Maaalalang nagsimula ang kanilang romantic rumors noong 2024 matapos silang mamasyal sa Hong Kong Disneyland upang ipagdiwang ang kaarawan ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »