Lolit Solis may nakakaiyak na text para kay Cristy Fermin: Salamat

Lolit Solis may nakakaiyak na text para kay Cristy Fermin: Salamat…

Ervin Santiago - July 04, 2025 - 09:03 PM

SA kabila ng hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba ng paniniwala sa ilang issue, napanatili pa rin nina Cristy Fermin at Lolit Solis ang kanilang solid na pagkakaibigan.

Binigyang-pugay ni Nanay Cristy ang kapwa TV host at entertainment columnist na Manay Lolit na sumakabilang-buhay na kahapon, July 3.

Sa programa niyang “Cristy Ferminute” ngayong Biyernes, July 5, ay nabanggit ni Nanay Cristy na never nasira ang kanilang friendship sa kabila ng mga pinagdaanan nilang intriga at isyu.

“Alam n’yo po na may mga pagkakataon na nagkakaroon po kami ng pagkokontrahan ni Manay Lolit ng mga opinyon. 

Baka Bet Mo: Lolit Solis inatake ng anxiety nang maospital: Hopeless, helpless, weak ka

“Pero hindi po ‘yun naging sapat para masira ang aming pagkakaibigan,” sabi ng premyadong TV-radio host.

Sabi pa ni Nanay Cristy, “Marami pong pagkakataon na ako ay nagtampo sa kaniya, nagtampo din siya sa akin. Pero hindi po natin maaaring alisin ‘yong mahabang panahon ng aming pinagsamahan.”

Samantala, binasa rin ni Nanay Cristy sa kanyang programa ang laman ng isang text message na ipinadala sa kanya ni Manay Lolit noong nabubuhay pa ito.

Nagpapasalamat daw ang namayapang talent manager kay Nanay Cristy sa lahat ng pinagsamahan nila at kung gaano siya kasaya sa narating nilang dalawa sa buhay.

“Salamat, mahal kong Cristy. I leave by the day pero happy na ako sa mga narating natin at nagawa sa buhay. Basta ingat ka rin at marami ka pang matutulungan,” ang bahagi ng mensahe ni Manay Lolit.

“‘Yung pagmamahal natin, hindi na ‘yon mawawala. Matibay na ‘yon sa tagal ng panahon. Basta ingat ka at text lang ‘pag kailangan mo ako mahal kong Cristy,” sabi pa sa text.

Kung matatandaan, nagkasagutan ang dalawang veteran showbiz columnist noong 2023 dahil lagi raw pinipitik o pinupuna ni Nanay Cristy ang talent ni Manay Lolit na si Paolo Contis sa kanyang mga panulat at programa sa radyo at online show.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagtatanggol naman ni Nanay Cristy sa sarili, never niyang pinersonal si Manay Lolit o ang sinuman sa mga alaga nito. Trabaho lang daw ang ginagawa niya at wala nang iba pang motion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »