Lolit Solis inatake ng anxiety nang maospital: Hopeless, weak ka

Lolit Solis inatake ng anxiety nang maospital: Hopeless, helpless, weak ka

Therese Arceo - July 04, 2025 - 06:50 AM
Lolit Solis inatake ng anxiety nang maospital: Hopeless, helpless, weak ka

NAKARAMDAM ng anxiety ang kilalang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis matapos siyang magkasakit at maospital.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng talent manager ang kanyang naging karanasan nang ma-confine sa ospital.

“Talagang hindi ko akalain at my age dun pa ako mako confined at magkakasakit. Nagkaruon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age mahihiga ako sa hospital bed,” pagbabahagi ni Lolit.

Dagdag pa niya, “Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari. Everytime I wake up in the morning shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising.Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis: Walang experience si Bong sa beki, hindi complete buhay niya

Kuwento pa ni Lolit, bago para sa kanya ang mga nararamdaman at nagtataka siya kung bakit siya nakakaramdam ng kakaibang feeling.

Lahad pa niya, “I feel like crying pero wala na akong magagawa.”

Kaya nga labis ang tuwa ni Lolit nang siya’y bisitahin ng mga kaibigan mula sa industriya para i-check ang kanyang kalagayan.

“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaruon ng ganitong episode sa buhay. Pero alam mo naman si GOD alam niya when or where ibibigay sa iyo ang mga bagay.

“So grateful na ngayon older na ako nangyari ito. Meron na ako ng pasensiya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli,” sey ni Lolit.

Giit pa niya, isang eyeopener para sa kanya ang pagkakasakit.

Ani Lolit, “I love life. I love my works. I love my friends.I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience it was an eye opener for me.

“Like going thru the medical procedures, mga ginagawa sa iyo sa hospital, lahat new sa akin.”

Nagpasalamat rin si Lolit sa lahat ng mga medical staff na nag-alaga sa kanya.

“Para lang ako nagbakasyon, sleep over ng ilang araw. Pero ganuon pala ang feeling ng nasa hospital. Minsan nga gusto ko umiyak dahil sa self pity.

Pero talaga siguro ganuon ang buhay, dumarating mga bagay sa oras ng hindi mo alam,” pagbabahagi pa ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pabiro pa nga niyang natalakay ang hinaing ni Carla Abellana sa PrimeWater na pag-aari ng mga Villar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »