Klase sa ilang lugar #WalangPasok ngayong July 3 dahil sa malakas na ulan

SINUSPINDE ng ilang lokal na pamahalaan ang klase ngayong araw, July 3, dahil sa walang patid na buhos ng ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) at habagat.
Narito ang mga lugar na nagkansela ng klase:
City of Manila – Suspendido ang face-to-face classes mula 12 n.n. pataas, mula kinder hanggang senior high school sa public at private schools.
Caloocan City – Wala nang pasok simula 10 a.m., mula kinder hanggang senior high, pati na sa Early Childhood Care Development (ECCD) at Alternative Learning System (ALS); may asynchronous o blended learning para sa hapon.
Las Piñas City – Walang pasok sa lahat ng antas sa public at private schools.
Marikina City – Kanselado ang lahat ng klase mula 10 a.m. hanggang hapon, all levels, public at private.
Mandaluyong City – Suspendido ang hapon na klase sa lahat ng antas; tuloy ang morning classes.
Muntinlupa City – Kanselado ang klase sa kinder at lahat ng hapon na klase; tuloy ang morning sessions.
Pasig City – Wala munang in-person classes mula kinder hanggang senior high, pati ECCD at ALS (public at private).
Parañaque City – Kanselado rin ang lahat ng hapon na klase, public at private.
Pateros – Wala nang pasok sa lahat ng antas simula 10 a.m.
Quezon City – Suspendido ang face-to-face afternoon classes sa public schools mula Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1 – 12, at Alternative Learning System (ALS).
Valenzuela City – Wala munang pasok (online at in-person) kinder hanggang senior high, public at private; ang college, in-person classes lang ang kanselado.
Bacnotan, La Union – Walang pasok mula preschool hanggang senior high school (public lang).
Aparri, Cagayan – Kanselado lahat ng klase, all levels.
Camalaniugan, Cagayan – Wala ring pasok sa lahat ng antas, public at private.
Gonzaga, Cagayan – Suspendido ang klase mula preschool hanggang grade 12, pati ALS.
Santa Teresita, Cagayan – Kanselado ang face-to-face classes mula preschool hanggang senior high, public at private.
Santo Niño, Cagayan – Walang pasok sa day care, elementary, high school at ALS, public at private.
Cavite – Suspendido ang klase sa lahat ng antas, public at private.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.