Daniel Padilla umamin: Sobrang gulung-gulo isip ko, litung-lito ako!

Daniel Padilla umamin: Sobrang gulung-gulo isip ko, litung-lito talaga ‘ko! 

Ervin Santiago - June 29, 2025 - 12:20 AM
Daniel Padilla umamin: Sobrang gulung-gulo isip ko, litung-lito talaga 'ko! 
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAG-ALINLANGAN ang Kapamilya actor at singer na si Daniel Padilla na tanggapin ang “Incognito” noong i-offer sa kanya ito ng ABS-CBN.

Inamin ni DJ na ito yung panahong may pinagdaraanan siya sa kanyang personal na buhay kaya hindi niya alam kung maibibigay niya ang lahat-lahat sa naturang teleserye.

Hindi man diretsahang binanggit ni Daniel, maaaring ang tinutukoy niya ay ang paghihiwalay nila noon ng kanyang ex na si Kathryn Bernardo.

“Alam natin kung gaano ako nag-alinlangan bago ko simulan at tanggapin ito. Nasa punto ako noon na sobrang gulung-gulo isip ko, litung-lito talaga ako,” pahayag ni Daniel sa finale presscon ng “Incognito” last June 25.

“Pero I think tama si Maris na ito rin ang pinakamagandang desisyon na ginawa ko sa buhay ko, grabe! 

“Grabe ang lahat ng natutunan ko, grabe ang lahat ng pinagdaanan ko. Salamat sa Panginoon, ang galing Niya talaga. Thank you everyone!” ang emosyonal na pagbabahagi ni Daniel

Sa tanong kung ano ang mga hindi niya malilimutan at challenging fight scenes na ginawa niya sa serye, “Lahat naman ay challenging, siguro ang pinaka-memorable na lang ay ‘yung una at huling fight scenes ko. 

“Yung first fighting scene ko ay yung sa train, memorable sa kin ‘yun dahil ‘yun ang unang sabak ko. Talagang si Direk (Lester Pimentel) ay pinarusahan ako doon.

“Biro mo first fight scene ko ‘yun, tapos ang kalaban ko halos 10 yatang lalaki ‘yun. Siyempre ang hirap ng choreo nu’n, nakakapagod. Memorable rin po yung last fight scenes ko, iba rin yun. ‘Yun ang dapat niyo ring abangan,” sey pa ni Daniel.

Samantala,, abangan ang pasabog na final mission ng “Incognito” na kinunan pa sa Marawi City. 

Bukod kay Daniel, kasama pa rin sa  action-thriller series ng ABS-CBN sina Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, Baron Geisler at Richard Gutierrez.

Kasabay naman ng sunod-sunod na rebelasyon at umaatikabong eksena sa serye ay inilabas ng  Star Creatives ang bagong official poster na nagpasilip sa huling kabanata ng serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lubos ngang kinasabikan ng netizens ang bagong teaser at talagang inaabangan ang susunod na mangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng “Incognito.”

Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa “Incognito” gabi-gabi, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Mapapanood din ito nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »