Ian, Gloc-9, Dennis, Jackie Lou, Ricky hindi ikinahiya mga anak na LGBTQ

MASWERTE ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na tinanggap agad-agad ng kanilang mga magulang nang buong puso’t kaluluwa.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mga bading at lesbian na hindi pa rin matanggap ng kanilang pamilya dahil feeling nila, kasalanan daw ito sa Diyos at isang matinding kahihiyan.
Ito rin ang isa mga sinasabing major-major reason kung bakit marami pa rin ang natatakot at nagdadalawang-isip na mag-come out sa kanilang tunay na gender identity.
Sa muling pagse-celebrate ng Pride Month sa buong universe, naglista ang BANDERA ng mga kilalang celebrities sa Pilipinas na proud na proud sa kanilang mga anak na umaming kabilang din sila sa LGBTQIA+ community.
JACKIE LOU BLANCO & RICKY DAVAO
Sa pag-amin ng anak ni Jackie Lou Blanco at ng namayapang aktor na si Ricky Davao na si Rikki Mae na isa siyang lesbian, hindi nila ito hinusgahan.
Sabi ni Jackie Lou sa isang panayam, “As a parent, all I did was to love. My feelings for my daughter never changed when she came out. Life is hard in itself. They need love and understanding. At the end of the day, being a parent is really all about love.”
Knows na rin daw niya ito bago pa umamin sa kanya si Rikki Mae, “I had a feeling na kasi. So when she came to me, she goes, ‘Mom, I have to tell you something.’ Sabi ko, ‘Okay.’ Tapos feeling ko, ‘Oh my, ito na talaga ito. I think this is the day.'”
Sabi naman ni Ricky, “She admitted that she’s different, that she’s part of the LGBT+ community. Of course natanggap ko naman agad because I love her, and I respect her. So, whatever makes her happy.”
DENNIS PADILLA
Proud member din ng LGBTQIA+ community ang panganay na anak ni Dennis na si Dianne Baldivia na nagpakasal sa kanyang partner na babae sa Amerika noong 2019.
“My eldest daughter Dianne, who is 30 years old, is married to Katx who is also a woman. And I respect them because mahal ng anak ko, e,” ang pahayag ng komedyante sa isang interview matapos ma-bash dahil sa eksena nila ng transwoman na si Francine Garcia sa pelikulang “Pakboys Takusa”.
Depensa ng aktor, “So, nang ikasal sila sa Amerika, I was happy for them. Ako pa ba ang babastos sa LGBTQ, e, yung daughter ko, asawa babae? Legally married sila sa California.”
GLOC-9
Rebelasyon ni Gloc-9 noong 2024, ang hit song niyang “Sirena” na naging national anthem na ng LGBTQIA+ community ay regalo raw niya talaga sa kanyang anak na bading.
Sabi ng award-winning rapper sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” tungkol sa pagri-release niya sa kantang “Sirena”, “Kung alam n’yo lang kung gaano ako katakot noong time na ni-release naming ‘yung kanta.
“Dahil ayaw kong malaman na meron akong nilagay doon na hindi tama,” ani Gloc-9.
“Nu’ng minsan, I think days after namin ma-release ‘yung music video may isang grupo ng production people na nagpunta sa bahay to interview me about the song.
“And then pinapanood namin sa kanila, e
Ito na ‘yung music video baka gusto n’yong mapanood. And then ‘yung isa talaga humahagulgol at the end of the song.
“And then she said, ‘Nararamdaman ko ‘yan kasi ‘yan ang buhay ng best friend ko. Maraming salamat,’” sey pa ni Gloc-9.
Kasunod nito, nabanggit nga niya ang tungkol sa kanyang anak, “My son is gay. Nu’ng sinulat ko ‘yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko na, kung gaano ko siya kamahal.
“Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya.”
LEANDRO MUÑOZ
Umiiyak na umamin kay Leandro Muñoz ang anak niyang transman na si Frankie noong 16 years old ito. Sinabi nito na baka kailangan niya ng psychiatrist dahil nagkakagusto raw siya sa same sex.
Sabi sa kanya ng anak, “I feel like I’m a boy, I’m a man,” na sinagot daw ng aktor ng, “Then go with what you feel right.”
Sinabi raw ni Leandro kay Frankie na walang mali sa kanya at hindi dapat matakot at mahiya sa kung anuman ang kanyang kasarian.
“Kung meron kayong anak who’s trying to come out. Just give a hundred percent support. Ang point ko here is talagang support our children with what will make them happy,” aniya pa.
“So my point here is kailangan talaga i-support natin. Ever since na sinabi niya ‘yun, wala na, hindi na siya closet, hindi na siya nagtago.”
IAN VENERACION
Cool dad din ang action star at leading man na si Ian Veneracion dahil tanggap niya agad ang pagiging lesbian ng kanyang anak na si Dids. Umamin ito sa kanya noong 16 years old.
“Sabi niya, ‘I like girls.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Me also, I like girls.’ Just don’t ever be apologetic about it, not even to me. You can be whoever you want to be.
“Nakakapanghinayang lang kasi isa lang buhay natin tapos kapag nabuhay ka, parang apologetic ka pa, nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. What a waste of life.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.