Claudine Barretto pinagbabantaan ang buhay; kapatid idedemanda

Claudine Barretto pinagbabantaan ang buhay; kapatid idedemanda

Reggee Bonoan - June 16, 2025 - 09:49 PM

Claudine Barretto pinagbabantaan ang buhay; kapatid idedemanda

Claudine Barretto

MAY kinakaharap na namang isyu ang aktres na si Claudine Barretto laban sa kapatid na si Mito Barretto at pinagbabantaan daw siyang ipagkakalat na nalulong siya sa droga.

Isa ito sa naikuwento ng aktres sa panayam niya sa vlog nina Direk Chaps Manansala at Jobert Sucaldito na in-upload kagabi sa YouTube. Natanong ng huli kung saan nanggagaling ang kuya niya para bantaan siya.

“Ayaw ko na sanang ilabas ito but when your life is being threatened or you reputation is being threatened and nakita (nabasa) n’yo (Direk Chaps and Jobert) ‘yung messages.

“Lately nakakatanggap na ako kaya nandito kanina ‘yung NBI (National Bureau of Investigation) because nakakatanggap na ako ng calls pero walang number na lumalabas pero hindi mo naman matawagan.

“I’ve already sent cease and desist dahil ayoko ng gulo kaya lang I’m scared for my life also and my children’s lives.  Whether empty threats or not, I want to make sure that my children and I would be safe.

“I’m not saying this person is doing all of these but it’s very timely lang kasi dapat between the family na nga lang kaya lang dumating ako sa point na I don’t want anybody to talk to me this way anymore, I’m not going to allow to be disrespected that’s why I allow cease and desist, “ mahabang paliwanag ni Claudine.

Say ni Jobert, nabasa niya ang mga mensaheng ipinadala umano kay Claudine ng Kuya Mito niya, “Nagulat ako, nalungkot ako because yes ang daming allegations (o) accusations sa ‘yo, pagiging drug addict, mga dating isyu sa ‘yo ibinabalik na para bang may gospel truth to this na coming from a brother.

“Doon ako nalulungkot and I find it very tragic. It’s not being sad anymore kasi sa kapatid kung baga saan nanggaling at paano nagsimula ito? Wala na bang katapusan ang saga sa mga Barretto?” aniya.

Ipinagdiinan ni Claudine na kaya siya nagsalita (nagpa-interview) ay dahil nakatatanggap na siya ng pananakot.

“Ang tanging naging kasalanan ko lang was to work with Gene Padilla for Hair Alchemist of Yumi Galangs, ‘Yun lang ang tanging maling nagawa ko kung mali bang matatawag.

“Ako lang po ang nagpapaaral sa mga anak ko. Ako ho ang single handedly nagpapaaral sa mga anak ko,” pagkaklaro ng aktres.

Ang dahilan ng gusot na kinakaharap ngayon ni Claudine ay dahil sinabi raw ng Kuya Mito niya na kinausap niya si Nanay Cristy Fermin na may blog na “Showbiz Now Na” at “Cristy Ferminute.”

“Kaya ko kinausap si Nanay Cristy kasi nagmi-meeting kami nina kuya Gene para sa isang project,” giit ni Claudine.

Ayon kay Jobert ay nag-ugat ang galit ng kuya ng aktres sa sinabi raw ni ‘Nay Cristy na may nagsabi sa kanyang reliable source na, “May isyu na kaya nabingi si Marjorie (Barretto) kasi sinuntok o sinapak siya ni Dennis (Padilla) when they were still together.

“Ngayon may lumabas na nagkuwento kay ‘Nay Cristy na na-mention niya sa kanyang program na kaya pala nagawa raw iyon ni Dennis dahil may pinanggagalingan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ILLO’S® Party Trays (@_illospartytrays)


“Kasi daw na-slash daw ni Marjorie ang likod ni Dennis kaya parang instinct o automatic. At ang sinasabi na pinagbibintangan nilang source na nagkuwento kay ‘Nay Cristy ay si Claudine.

“I spoke to ‘Nay Cristy at sinabi niya, she denied that it was Claudine, vehemently denied.  But knowing ‘Nay Cristy at sa lahat ng media practitioners, we protect our sources, hindi mo talaga puwedeng sabihin kahit pitpitin mo ‘yan hindi niya talaga sasabihin ang source niya. So, ‘yun ang pinanggagalingan kung bakit kayo nagkakagulo na naman?” sabi pa ni Jobert.

Kaagad namang sumagot ng “yes” ang aktres sa tanong ni Jobert.

“Dahil du’n, ako na naman? Wala na bang iba? Tapos heto may threats na? Hindi na ito joke para sabihing sisiraan mo ako kay Cristy Fermin at kay Ogie (Diaz)? Go ahead ano pa ba ang hindi nasasabing masama tungkol sa akin?” kunot-noong pahayag ni Claudine.

Dagdag pa, “Lahat naibato na, eh. You keep talking about my past I don’t live there anymore! Hindi ko maintindihan at sinabi mismo ni Nanay Cristy na ibigay mo ang number ko (sa kuya niya) ako mismo magsasabi (source).

Inalam ni Jobert kung nag-reach out si Marjorie sa bunsong kapatid tungkol sa isyung ito, “No, no,” sambit ng aktres.

Base sa kuwentuhan ay nagsabi si Marjorie sa Kuya Mito sa nangyari at hindi raw nito nagustuhan ang insidente  at dahil kakausap lang ni ‘Nay Cristy kay Claudine kaya naisip ng kuya nila na sa bunsong kapatid galing ang kuwento.

Ipinaliwanag naman ni Claudine sa kuya niya na hindi sa kanya nanggaling ang kuwento at higit sa lahat ay hindi niya kakampihan si Dennis sa ginawa nito kay Marjorie na kapatid niya, pero hindi raw naniwala ang kuya ng aktres.

Sa nakaraang panayam kasi ni Marjorie kay Ogie Diaz pagkatapos ng kasal ni Claudia Barretto kay Basti Lorenzo para iklaro ang isyung hindi hinatid ni Dennis ang anak sa altar ay nabanggit niya na nawala ang ear drum niya hanggang ngayon ay nagsa-suffer siya dahil sa pagkakasapak sa kanya ni Dennis.

Hindi naman binanggit ng nanay nina Julia, Claudia at Leon Barretto ang dahilan kung bakit siya sinaktan ni Dennis basta nag-away lang das sila.

Ibinalita naman ni ‘Nay Cristy sa “SNN” ang kanyang nalaman na kaya pala nasapak ni Dennis si Marjorie ay dahil na-slash nga ang likod ng aktor.

Going back to Claudine ay nasambit ding dati ay okay sila ng kuya Mito niya at kung ano ang galit nito kay Dennis na dati niyang bayaw ay huwag ibunton sa bunsong kapatid.

Ang pananakot nga ay magpapa-interview ang kuya niya kina ‘Nay Cristy at Ogie para mag-trending sila.

“And I’m suing, hindi na po ako papayag na pagsalitaan ng kahit sinong tao ng ganyan,” diin ni Claudine.

Sabi ni Jobert, “Lumalabas na magkakampi ang kuya mo at si Marjorie?”

Sinang-ayunan ito ng bunsong Barretto at inamin ding alam na rin ito ng ibang mga kapatid nila at nasa side naman daw sila ni Claudine at pati ang mommy Inday nila ay aware sa nangyayari sa bunsong anak.

Sa tanong ni Jobert kung nakalimutan na ng kuya Mito niya ang mga nagawa ni Claudine sa panahong kaliwa’t kanan ang projects niya dahil alam ng lahat na generous ang aktres sa mga kapatid at pamangkin niya.

“Lahat bang ito ay nakalimutan na?” sambit ng co-host ni direk Chaps.

“Yes. Dumating sa point na I have to remind kasi baka nakalimutan nila na once upon a time na napaaral ko ‘yung mga pamangkin ko, nabayaran ko ‘yung renta ng bahay nila, natulungan ko sila sa mga negosyo, ayokong manumbat, eh.

“Pero minsan pag sobrang sakit mo na magsalita parang gusto kong, ‘uy sandali reminding you na when you were down, I was there, when I was down, wala kayong ginawa.’

Dagdag pa, “Sa korte ito papunta and I’ve already told my mom and brother Jayjay go ahead, full support sila.”

At ang masasabi ni Claudine sa kuya niya, “Stop making me pay for something that you believe I was or for something you believe I’ve done before and stop scaring me na iyon ang ilalabas ninyo dahil nailabas n’yo na lahat.

“Wala naman kayong napatunayan! Ilang beses nang sinabi ng korte, kukuwestiyunin n’yo pa ba ang St Lukes, kukuwestiyunin n’yo pa ba ang Hi-Precision (Diagnostic and Laboratory center)?

“Ano ‘yung ikukuwento na sira ang ulo ko, gusto n’yo akong ilagay sa psych ward (psychiatric ward) para ipakuha ang pera ko? Ano ‘yun? I should done this before pa but this now is self- reservation.

“Sa lahat ng tao, do not let anybody to steal your joy to make you believe that you are less,” pahayag ng aktres.

Ang huling sabi ng aktres para sa kaalitan niya, “Earlier I said blood is thicker that water, if you wanna bring back whatever all of you did to me before, go head!  Pero do not expect na I just sit back and accept this because I’m not the Claudine anymore.

“I am not Claudine that you can bully around no matter how old you are! Kuya ka man, ate ka man, lolo ka man o lola ka man, wala akong utang na loob sa inyo!  Pero kayo malaki ang utang ninyo sa akin!

“‘Wag sanang dumating ang araw na maglabasan tayo ng bank checks dahil pag tumulong ka hindi ka dapat nanunumbat! Pero kapag nakalimot ka, nananakot ka, ‘wag mong antaying pabayaran ko sa ‘yo.

“Sabihin ng (iba) wala akong respeto sa kapatid ko, yes po, wala akong respeto.  Respect is earned!” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Marjorie at Mito Barretto tungkol sa mga pahayag ni Claudine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »