Kathryn, Mayor Mark namataan muling magkasama sa BGC

Kathryn, Mayor Mark namataan muling magkasama sa BGC, sey ni Ogie

Reggee Bonoan - June 13, 2025 - 08:30 AM

Kathryn, Mayor Mark namataan muling magkasama sa BGC, sey ni Ogie

Kathryn Bernardo, Mayor Mark Alcala

MULI na namang nakitang magkasama sina Lucena Mayor Mark Alcala at ang aktres na si Kathryn Bernardo sa Bonifacio Global City (BGC).

Ang dalawa ay spotted noong June 6 sa ganap na alas-3 nang madaling araw, ayon sa report ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog, kasama sina Mama Loi at ate Mrena.

Ayon sa kanila, nakuha nila sa Reddit website na spotted nga sina Mayor Mark at Kathryn, at nakita pa nga ang alkalde na nagpapa-picture sa mga naka-scooter.

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA noong April 18 na nakita ang aktres at alkalde sa parking lot ng BGC sa pagitan ng 2 a.m. at 3 a.m. noong June 9.

Baka Bet Mo: Kathryn ‘taken’ na raw kaya malabong makabalikan si Daniel, sey ni Ogie

Nagtataka lang kami kung bakit laging madaling araw namamataan umano sina Kathryn at Mayor Mark?

Inakala siguro nilang walang gaanong tao sa mga ganu’n oras, e, hindi ba nila naisip na maraming call centers sa BGC at maraming umuuwi ng ganu’n oras at higit sa lahat maraming gumigimik sa nasabing lugar.

Base sa binasa ni Ogie ay maraming hindi naniniwala dahil wala namang larawang lumalabas bilang resibo na nakikita nga ang dalawa.

Labasan kasi ng resibo ang basehan ngayon para maniwala ang lahat na ‘yung tipong hindi na maitatanggi pa ng mga taong involved.

Sabagay iyong nasulat nga namin dito sa BANDERA na sumakay si Kath sa Toyota Alphard na may plakang 8 na maaring pag-aari raw ni mayor Mark sa BGC parking lot ay hindi rin pinaniwalaan dahil nga walang resibo.

‘Yung kasing source namin ay nag-alanganing mag-paparazzi kasi may kasamang bodyguard ang aktres noong pasakay siya sa nasabing luxury mini van or multi -purpose vehicle.

Kaya sabi namin na kung sakaling makita niya ulit si Kathryn ng ganu’n oras ay simplehan niyang kunan para may resibo na.

Anyway, dalawang beses na umanong nakita si Kath na kasama si Mayor Mark ng madaling araw at sa parehong lugar din, iisa lang ang ibig sabihin, magka-ibigan sila o nagliligawan pa lang?

Bukod dito ay namataan din daw ang dalawa sa Aivee Clinic Vertis North Branch kamakailan lang at hindi raw mapaghiwalay ang dalawa, na base rin sa isa pang source ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sa panig nina Kathryn at Mayor Mark o mula sa kampo nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »