Kylie, Jak intense ang reunion sa My Father’s Wife; Vina aarte, bibirit uli

Kylie Padilla, Jak Roberto at Vina Morales
MAGRE-REUNION ang dalawang Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Jak Roberto para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “My Father’s Wife.”
Unang nagkasama sina Kylie at Jak sa GMA Prime series na “Bolera” na umere noong 2022 kung saan isa nga ang aktor sa mga leading man ni Kylie.
But this time, mas mature, mas palaban at mas challenging na ang kanilang mga karakter dahil sa nakakaintrigang tema at konsepto ng “My Father’s Wife.”
View this post on Instagram
Sabi nga ni Jak, “Happy ako na maka-work ulit si Kylie kasi I worked with her na, hindi na namin kailangang mag-adjust sa isa’t isa.”
Mas lalo rin daw dapat abangan ang serye dahil sa unique role ni Kylie. Pagmamalaki ni Jak, “Excited ako for her kasi parang ngayon niya lang din gagawin tong character na ‘to.
“Grabe! Abangan ninyo guys, sobrang nakaka-excite!” ang pahayag pa ng ex-boyfriend ni Barbie Forteza.
Abangan ang “My Father’s Wife” soon sa GMA Network.
* * *
Ipinasilip ng seasoned actress-singer na si Vina Morales ang kanyang recording para sa theme song ng pagbibidahang serye na “Cruz vs. Cruz.”
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Vina na grateful siya sa GMA Network at excited siyang muling mapakinggan ng mga Kapuso ang kanyang boses tuwing hapon.
Bukod diyan, malapit na ring mapanood ang pagbabalik-teleserye ni Vina na matagal-tagal na ring hindi napapanood ng publiko na umaarte.
Star-studded ang cast ng “Cruz vs. Cruz” kung saan makakasama ni Vina sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Cassy Lavarias.
In fairness, ngayon pa lang ay abangers na ang kanyang fans sa muling pagsabak ni Vina sa aktingan, very soon ba rin iyan sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.