Mayor Vico Sotto kailan nga ba mag-aasawa? ‘Darating po ‘yan!’

Mayor Vico Sotto kailan nga ba mag-aasawa? ‘Darating naman po ‘yan!’

Pauline del Rosario - May 17, 2025 - 03:26 PM

Mayor Vico Sotto kailan nga ba mag-aasawa? ‘Darating naman po ‘yan!’

PHOTO: Facebook/Vico Sotto

TILA marami ang sumusubaybay kung kailan magkakaroon ng “forever” at “the one” si reelected Pasig Mayor Vico Sotto.

Dahil diyan, diretsahan siyang tinanong ng batikang news anchor na si Arnold Clavio nang ma-interview sa GMA news program na “Unang Balita.”

May segment kasi sa programa na binabasa ang ilang katanungan ng netizen at isa na nga riyan ‘yung pag-usisa sa alkalde kung kailan siya mag-aasawa.

Ang sabi ni Arnold kay Mayor Vico, “Lagi kang subsob sa trabaho at napapabayaan mo na ang sarili mo, magandang may nag-aalaga sayo…kailan ka mag-aasawa at ‘yung puso mo kamusta?”

Baka Bet Mo: Vico Sotto kinaaliwan ng netizens: ‘Mayor nanaman si Kyungsoo!!!’

Ang sagot diyan ng binata, “Okay lang po. Darating at darating naman po ‘yan.”

“Kagaya po ng sabi ninyo, siguro nitong nakaraang anim na taon, talagang sobra sa trabaho rin,” dagdag pa niya.

Tila nabitin ang news anchor sa naging tugon  ni Vico, kaya hiningan siya ng mensahe para sa taong nagbibigay inspirasyon sa kanya.

Inamin agad ni Vico na walang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon, kundi ang mga taong sumusuporta sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GMA Integrated News (@gmanews)

Si Vico ang nanalo sa mayoral race bitbit ang 345,375 votes kontra sa 29,104 votes ng katunggaling si Sarah Discaya. 

At kasunod nga niyan ay nag-trending siya sa X (dating Twitter) at Facebook sa pamamagitan ng ilang memes, fan edits, at nakakatuwang “congratulatory posts” na may matching photos pa ng kanyang ka-look alike na si Doh Kyungsoo ng K-pop group na EXO!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuwang-tuwa ang netizens dahil sa uncanny resemblance nito kay Kyungsoo mula sa kanilang matangos na ilong, makapal na kilay, at expressive na singkit na mga mata. 

Dahil diyan, may mga fans na tinawag silang twinnie, habang ang ilan ay pinagtagpi ang pangalan ng dalawa para mabuo ang pangalan na: “Kyungsotto.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »