Mexican influencer binaril habang naka-TikTok livestream, patay

Mexican influencer patay matapos barilin habang naka-livestream sa TikTok

Ervin Santiago - May 15, 2025 - 09:28 AM

Mexican influencer patay matapos barilin habang naka-livestream sa TikTok

Valeria Marquez

PATAY ang isang Mexican social media influencer matapos barilin ng isang lalaki habang naka-livestream sa TikTok.

Hot topic ngayon sa social media ang pagkamatay ng 23-anyos na biktima na nakilalang si Valeria Marquez, isang kilalang content creator sa Mexico na gumagawa ng video about beauty and makeup.

Base sa ulat, pinatay ang biktima nitong nagdaang Martes, May 13, sa loob mismo ng beauty salon na matatagpuan sa Zapopan, Mexico, kung saan siya nagtatrabaho.

Bigla na lamang daw pumasok sa salon ang suspek at binaril si Marquez. Hindi pa pinangalanan ng otoridad ang lalaking nasa likod ng pagpatay.

Ilang segundo umano bago maganap ang krimen, makikita pa ang biktima sa kanyang TikTok livestream habang nakaupo sa lamesa at may hawak na stuffed toy.

Narinig daw si Marquez na nagsabing, “They’re coming”. Narinig din daw sa video ang isang boses sa background na nag-dialogue ng, “Hey, Vale?”

Sumagot naman ang biktima ng, “Yes,” sabay mute sa sound ng kanyang TikTok livestream.

Ilang sandali lamang ang nakalipas ay binaril na nga si Marquez. Nakita pa raw ng mga nanonood sa livestream ng biktima ang isang taong kumuha sa kanyang cellphone hanggang sa mawala na ang video.

“The victim is someone with an active presence and influence on social media,” ayon sa statement ng state prosecutor’s office. “A man entered the premises and apparently fired a gun at her.”

Ayon pa sa report, may nabanggit din si Marquez sa kanyang TikTok livestream na may nagpunta raw sa pinagtatrabahuan niyang salon na may “expensive gift” para i-deliver sa kanya. Pero wala pa raw siya sa salon nu’ng mga oras na yun.

Sinabi pa raw ni Marquez na hindi siya interesado at wala siyang planong hintayin ang taong naghahanap sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng otoridad ang pagpatay sa biktima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »