‘Nasa Atin ang Panalo’ mas pinabongga; G22, Skusta Clee, KAIA may pasabog
WINNER ang OPM! Patuloy na isusulong ng Puregold Nasa Atin ang Panalo ang musika ng Pinoy tampok ang mga bagong musikero at mga pasabog na music video.
Muling itatampok ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Pilipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay.
Nagbabalik ang “Nasa Atin Ang Panalo” na mas pinalaki at pinabongga ngayong taon.
May mga bagong miyembro ang pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—G22, Skusta Clee, at KAIA—handog ang kanilang tinig, pagsusumikap at lakas, at ang kanilang kuwentong panalo.
Kilala bilang alpha females ng P-Pop, pinabibilib ng G22 ang mga tagapanood sa boses nilang malakas ang dating, at hindi-mapapantayang enerhiya. Mula sa kanilang debut noong 2022, nakapaglabas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng mga hit gaya ng “Bang,” “Boomerang,” “Limitless”—at ang pinakabago, “Pa-Pa-Pa-Palaban.”
Inilabas ng G22’s ang music video na kolaborasyon nito kasama ang Puregold, ang “Pagpili,” noong April 9, at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo.
Ang makapangyarihang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumilo nang buong tapang at ipagmalaki ang pinili.
Samantala, naglabas naman ng kantang “Sari-Saring Kwento” si Skusta Clee, isa sa pinakaimpluwensyang pangalan sa Pinoy hip-hop, kasama ang talentadong rapper din na si Flow G. Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng paniguradong tatama sa Pinoy listeners.
Kasama rin sa “Nasa Atin Ang Panalo” ang KAIA, isang P-Pop group na kilala sa kanilang mga visual at nakaka-inspire na mga kanta. Ilalabas nina Angela, Charice, Alexa, Sophia, at Charlotte ang kanilang “Kaya Mo” music video sa June 12, sa Araw ng Kalayaan, upang ipagdiwang ang kalayaan at tatag ng mga Pilipina.
“Nagbago na rin ang Nasa Atin Ang Panalo at nagkaroon ng mas malaking kahulugan higit sa isang kampanya—isa itong pagdiriwang ng mga pangarap at talento ng mga Pilipino,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.
“Sa pamamagitan nito, umaasa kaming maibibida ang mga artistang Pinoy at mahikayat ang mga miyembro at tumatangkilik ng Puregold na mangarap pa habang nakikita ang musikang panalo sa entablado,” aniya pa.
Pero paparating pa lamang ang pinakamalaking selebrasyon. Dapat nang markahan ng mga nagmamahal sa musika at mga mamimili ng Puregold ang June 5, 2025 sa kanilang mga kalendaryo, ang araw na titingkad ang Philippine Arena dahil sa OPMCON 2025.
Mapapanood dito ang pagtatanghal ng SB19, BINI, G22, KAIA, Skusta Clee, Flow G, at Sunkissed Lola. Ito na ang pinakamalaking kaganapan sa OPM ngayong taon, isang gabi ng musika at talentong Pinoy.
Abangan ang unang pagbebenta ng tiket sa May 16 at 17 sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.