OK lang ba na makatanggap ka ng regalo na galing sa ukay-ukay?
KUNG kayo mga ka-BANDERA ang tatanungin, keribels lang ba kung ang matatanggap n’yong regalo mula sa isang mahal sa buhay ay galing sa ukay-ukay?
Ano kaya ang mararamdaman n’yo kapag nadiskubre n’yong binili sa ukay-ukay ang mga gift na ibinigay sa inyo?
Iyan din ang tanong ng isang netizen na nag-share ng kanyang saloobin sa Facebook page na Peso Sense tungkol sa pagreregalo na galing sa ukay-ukay.
“Hi peso sense, please hide my identity po. Thank you.
“Mga ka-peso ask lang, is it okay na magbigay ng gift from ukay? I’m an avid ukay shopper po talaga and halos lahat ng gamit ko from ukay.
“Kaya naisip ko pwede ko kaya ito ipangregalo sa mga relatives and friends ko?” ang simulang pagbabahagi ng letter sender.
Pagpapatuloy niya, “Lilinisin ko naman ng bongga yung items, master ko na maglaba at linis since ukay is life sakin hehe.
“Tight po kasi budget ko and hindi po ganu’n kalaki sahod ko kaya medyo tipid konti. Please respect po, no bash. Babasahin ko po mga comments nyo.
“Thank you mga ka-PESO. God bless,” ang buong laman ng liham ng netizen.
Narito naman ang mga reaksyon ng mga nakabasa sa post ng anonymous sender.
I think it’s fine, but never disclose it to anyone. You’ll never know what they might say if they find out it’s from ukay. Considering people’s mindset nowadays because of social media, magugulat ka nlng sikat kna.”
“Okay lang po yan, ukay lover din ako. Hwag nalang po ipagsabi sa iba na sa ukay mo lang binili baka makatanggap kapa ng negative feedback at malaman din sa pagbibigyan mo. As long as okay naman yung ibibigay mo sa kanya, why not diba? May mga magaganda po at mukhang brand new sa ukay at matibay pa.”
“Opo naman, ang swerte pa nga ho ng bibigyan nio naalala nio cla. kung ako man ung bibigyan kahit ukay po yan naku sobrang matutuwa at maappreciate ko tlaga..kaya push na yarn sender!!”
“Ok lang iyan basta huwag mo ipaalam. Buti nga nagbigay ka pa kesa wala.”
“For me pde kse ukay is life din ako. Madmi pa nga n branded sa ukay2 basta masipag kalang mg halungkat…maliban kung ung bibigyan at ttanggap is maarte.”
“Depende sa bibigyan. Kung maarte baka ichismis kapa nyan. I love ukays myself. 98% of my clothings are ukays din.”
“No, ako nga Hindi naman ukay stocks lang Ng seller nung all out sale kaya siguro parang Amoy aparador na pero may narinig pa Ako kaya next time no more gift sa kanila.”
“Oo nmn wag mo nlng sabihin, pag Tinanong niya dun mo nlng sabihin, mag lagay ka nlng ng note na. Sana maappriciate mo ang small gift ko Para sayo. Ayus na un.”
“Ukay is life din ako sender. Minsan nagreregalo ako galing ukay pero brand new may tag pa kadalasan binibili ko yung mga branded wLa naman problema sa binibigyan ko kasi di maarte.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.