Faith Da Silva binastos ba si Kira Balinger sa TiktoClock ng GMA?

Faith Da Silva binastos nga ba si Kira Balinger sa TiktoClock ng GMA?

Ervin Santiago - May 06, 2025 - 12:35 AM

Faith Da Silva binastos nga ba si Kira Balinger sa TiktoClock ng GMA?

Kira Balinger at Faith Da Silva

TOTOO nga bang binastos ng Kapuso TV host-actress na si Faith Da Silva ang dating “PBB Celebrity Collab Edition” housemate na si Kira Balinger?

Iyan kasi ang usap-usapan ng mga Marites sa social media matapos mag-guest ang Star Magic artist sa daytime variety show ng GMA 7 na “TiktoClock”.

Kasamang bumisita ni Kira sa naturang programa noong April 24 ang kapwa “PBB” evictee na si Charlie Fleming kung saan sila naglaro sa ‘’Sang Tanong ‘Sang Sabog’” segment.

Dito, pasasabugan ng pulbos sa mukha ang player kapag nagkamali sa bawat question. Dalawang beses nasabugan ng pulbos sa face si Kira.

After ng naturang segment, tinawag na ni Faith sina Kira at Charlie para anyayahan ang mga Kapuso viewers na patuloy na tutukan ang “PBB Celebrity Collab Edition.”

Unang nagsalita si Charlie at nag-promote ng naturang show na napapanood sa GMA 7 at ABS-CBN. Kasunod nito ay inabot na kay Kira ang mic pero hindi siya agad naka-talk dahil napagod siya paglalaro.

At nang magsalita na ang aktres ay bigla nang nag-cue si Faith para mag-commercial. Dito nag-ugat ang pagkalat ng chika na tila binastos umano ni Faith si Kira.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Kasunod nito, ni-repost ng isang netizen sa social media ang video clip ng naturang segment ng “TiktoClock”. May caption itong, “Kira Balinger binastos ni Faith da Silva sa TiktoClock?”

Dahil dito, marami ang nam-bash kay Faith pero may mga nagtanggol din naman sa kanya laban sa mga taong tumawag ng “starlet”, “bastos” at “unprofessional” sa dalaga.

Kaya naman sa Star Magic Spotlight presscon kung saan humarap sa media si Kira, natanong sa kanya ang tungkol dito.

Sagot ng Kapamilya star, “Actually, when I was there, hindi ko naman po feel na may kabastusan na nangyari.

“And alam ko naman din yung sa mga live show po na ganyan, talagang may oras iyan. So, if they needed to cut the show, wala po talagang problema iyan sa akin,” paglilinaw niya.

“Nasabugan na ako, so alam mo yung I’m still reeling from the moment na, ‘Oh my god, what do I look like? Dyusko, paano ito?’

“’Tapos hindi ko pa makita yung prompter sa harapan ko. I think a little bit of the powder went in my eye, nalasahan ko din yung powder.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, talagang hindi ko…I wasn’t really prepared in that moment kaya okay lang po sa akin,” ang paliwanag ni Kira Balinger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »