
INQUIRER file photo
HABANG papalit ang eleksyon, iba’t-ibang peke balita o maling impormasyon ang kumakalat sa social media world!
Ito ang ibinahagi mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa pagdinig sa Senado.
Ayon kay Garcia, kumakalat sa social media na inilipat na sa May 10 ang araw ng botohan para makaiwas sa matinding init ng panahon.
Baka Bet Mo: ALAMIN: Mga dapat tandaan para swabe ang pagboto sa Halalan 2025
“Kinakailangan pa rin kaming maglabas syempre ng pagtanggi. Kinakailangang magkomento kami at sabihing hindi po totoo ‘yan,” sey ng Comelec chair.
Bago ito, kumalat din sa social media na ang tanging makakaboto ay ang mga may national ID.
Malinaw, aniya, na ang mga ito ay gawa ng “trolls” upang madiskaril ang eleksyon sa darating na May 12.
Kasabay nito, tiniyak ni Garcia na walang nakuhang impormasyon kung totoong gumamit ng “data gathering device” ang nahuling Chinese national malapit sa kanilang punong-tanggapan sa Intramuros, Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES