
PHOTO: Instagram/@aldenrichards02
MAAABOT na talaga ni Alden Richards ang kanyang pangarap na maging isang piloto!
Opisyal na kasi niyang sinimulan ang kanyang flight training sa isang aviation school sa Clark, Pampanga.
Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Alden ang kanyang pagbisita sa Alpha Aviation Group sa Mabalacat.
Makikita pa nga ang litrato niya na nakatayo sa harap ng isang flight simulator at proud na proud na itinuro ang signage na may nakasulat na “ready for training.”
Baka Bet Mo: Babaeng piloto patay sa pagbagsak ng helicopter sa Nueva Ecija
Kasama rin ang picture ni Alden, kasama ang isa pang lalaki na nakaupo na sa loob ng flight simulator.
“Reaching new heights, one flight at a time,” caption ng aktor sa post.
Noong nakaraang buwan, ibinahagi ni Alden na nabigyan siya ng scholarship mula sa isang aviation school sa Clark.
Hindi man niya binanggit noon ang pangalan ng eskwelahan, sinabi niya na pinili niyang manahimik muna hanggang maging final ang lahat.
“It has been my dad’s dream. Sabi ko, ‘Sige dad since medyo 59, 58 ka na ako na lang.
Hopefully kung kaya this year matapos ko ‘yung course, then lipad lipad na tayo,” kwento ni Alden sa isang panayam.
Bukod sa pagpipiloto, busy rin si Alden sa pagtakbo ng marathons at pagbibisikleta.