LIST: Mga pelikula sa Mayo na may sari-saring kwento at aksyon

LIST: Mga pelikula sa Mayo na may sari-saring kwento at aksyon

movies for May 2025

SA buwan ng Mayo, siguradong masusubok ang ang inyong mga emosyon dahil sa halo-halong saya at kaba mula sa mga ibabanderang mga bagong pelikula sa mga sinehan.

Maraming pagpipilian –mayroong spy thriller, magical adventures, horror, matinding martial arts, at may puno ng aral at inspirasyon din.

Black Bag

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

Sa direksyon ni Steven Soderbergh, ipapalabas sa May 7 ang spy movie na “Black Bag.”

Iikot ang kwento sa karakter ng mag-asawang George at Kathryn na parehong legendary intelligence agents.

Pero may problema…pinagbintangan kasi si Kathryn ng pagtataksil na kung saan ay kailangan magdesisyon ni George kung pagmamahal sa asawa o sa bayan ang mananaig.

Baka Bet Mo: ‘Superman’, ‘Karate Kid’, ‘Wolf Man’ bubuhayin sa taong 2025

Bibida riyan sina Cate Blanchett at Michael Fassbender, kasama sina Marisa Abela, Tom Burke, Naomie Harris, Regé-Jean Page, at Pierce Brosnan.

Magic Temple

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas

Swak sa pamilya at kabataan ang “Magic Temple” na showing sa May 14, exclusively sa Ayala Malls Cinemas.

Bida riyan sina Jason Salcedo, Junell Hernando, Marc Solis, Anna Larrucea, Jun Urbano, Jackie Lou Blanco, at Gina Pareño.

Tungkol ito sa tatlong batang lalaki na pagpipilian kung sino ang makakapunta sa isang mahiwagang templo upang ibalik ang balanse ng mundo.

Ngunit, marami silang pagsubok na haharapin at tiyak na magkakaroon sila ng mga importanteng aral na matututunan.

Hiling

Showing din sa May 14 sa Ayala Malls Cinemas ang classic film na “Hiling” na pinagbibidahan ni Camille Prats.

Sa pelikulang ito, magiging espesyal ang birthday ni Anna (Camille) nang makuha niyang mag-grant ng mga hiling ng mga hahawakan niya.

Ilan pa sa mga tampok diyan ay sina Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Gina Pareño, Nida Blanca, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Paolo Contis, at Carlo Aquino.

Final Destination: Bloodline

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

Para sa mga naghahanap ng bagong horror, babandera sa big screen sa May 14 ang “Final Destination: Bloodline.”

Sa pinakabagong chapter ng sikat na franchise, susundan nito ang kwento ni Stefanie, isang college student na naghahanap ng paraan para matigil ang paulit-ulit na masamang panaginip at maiwasan ang isang malupit na kamatayan.

Starring diyan sina Kaitlyn Santa Juana, Teo Briones, Richard Harmon, Owen Patrick Joyner, Anna Lore, at Tony Todd mula sa direksyon nina Adam Stein at Zach Lipovsky.

Mission: Impossible – The Final Reckoning

PHOTO: Courtesy of Paramount Pictures

Kung akala mong tapos na ang lahat, magbabalik sa malaking screen ang “Mission: Impossible!”

Sa “The Final Reckoning,” si Ethan Hunt na pinagbibidahan ni Tom Cruise ay muling haharap sa pinakamahirap na desisyon ng kanyang buhay.

Magsisimula na ba ang bagong laban na magtatapos na ang lahat?

Ihanda ang inyong sarili sa pinakamataas na level ng action ni Tom Cruise!

Showing na ‘yan sa darating na May 17 sa mga lokal na sinehan.

Karate Kid: Legends

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

Siyempre, meron din para sa mga mahilig sa martial arts!

Kilalanin sa pinakabagong “Karate Kid” movie ang karakter ni Li Fong, isang young kung fu prodigy.

Siya ay nakatakdang makipagsapalaran sa isang karate tournament na magiging sanhi ng mas malaking laban sa pagitan ng karatista.

Hindi rin mawawala, siyempre, sina Mr. Han at Daniel LaRusso na magtutulungan sa paghubog ng bagong champion!

Bidang-bida riyan sina Jackie Chan, Ralph Macchio, Ben Wang, Joshua Jackson, at Sadie Stanley.

Ang “Karate Kid: Legends” ay ipapalabas sa mga sinehan sa darating na May 28.

Read more...
OSZAR »