Fyang Smith graduate na ng Senior High School, JM Ibarra todo suporta

Fyang Smith
KAHIT abala sa pagiging artista, naka-graduate na ang itinanghal na Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Gen 11” na si Fyang Smith!
Ang kanyang latest milestone sa buhay ay proud na ibinandera ng kanyang ina na si Myrna.
Natapos ni Fyang ang Accountancy, Business, and Management (ABM) strand sa Lyceum Alabang.
Bukod sa mga magulang ni Fyang, present din sa graduation day ang kanyang on-screen partner na si JM Ibarra.
Baka Bet Mo: Fyang Smith ilang beses niloko ng lalaki: Cheating is a choice!
Nakakakilig ‘di ba, talagang ibinandera ni JM ang kanyang todo support sa kanyang ka-love team!
Anyway, ito ang naging caption ng ina ni Fyang sa nasabing post: “First of all, thank you, Lord, and also thank you to all those people who are supporting my daughter and to all those teachers who guided my daughter and taught her so well! Thank you all.”
Wika pa niya, “No words can explain how much we appreciate you all.”
Pati ang Star Magic, nagpaabot ng congratulatory message dahil sa naging achievement ng aktres.
“Hats off to our gorgeous [babae] #FyangSmith for successfully finishing senior high! Your Star Magic family is utterly proud of your milestone!” sey ng talent management.
View this post on Instagram
Sa dating panayam, ibinunyag ng PBB big winner na siya ay grumaduate ng salutatorian noong nasa elementarya pa siya.
“No’ng time na ‘yun, big deal sa akin ang grades ko. Ayaw kong magka-line of eight, gusto ko lahat ng nasa card ko line of nine. And na-achieve naman po ‘yun,” kwento niya.
Kahit ABM strand ang kinuha niya, sinabi ni Fyang na nais niyang maging isang surgeon.
Samantala, ang love team nina Fyang at JM ay nag-umpisang sumikat nang sumali sila sa PBB Gen 11.
Ang kauna-unahan nilang on-screen feature ay ang music video na “Wherever You Are” ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Recently lang, ang dalawa ay napabilang sa voice cast members ng upcoming Tagalog version na Korean film na “Picnic.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.