Carla Abellana sinopla ang PrimeWater, laging walang tubig

Carla Abellana sinopla ang PrimeWater, naniningil kahit laging walang tubig

Therese Arceo - June 28, 2025 - 07:21 PM

Carla Abellana sinopla ang PrimeWater, naniningil kahit laging walang tubig

HINDI nakapagpigil ang Kapuso actress na si Carla Abellana ang sumagot matapos makatanggap ng disconnection notice mula sa kanilang water supply provider.

Sa kanyang Instagram story ay ibinandera niya ang natanggap na e-mail mula sa Prime Water Infrastructure Corporation tungkol sa kanyang water bill.

“Hi Ms. Carla, May we kindly follow up regarding the status of your payment?

Kindly be informed of the disconnection schedule today,” saad sa e-mail ng naturang kumpanya.

Sinagot naman ito ng aktres at binayaran ang naturang bill.

Baka Bet Mo: Carla Abellana nagbanta sa online site: Kung kasuhan ko na lang kayo ng libel?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Okay lang po. Halos wala din naman po kayo supply na tubig everyday, so parang ganun na din naman po. But anyway, here’s the payment,” reply ni Carla sa naturang e-mail.

Agad namang nag-viral at umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang IG story ng Kapuso actress.

“Ramdam ko ang irita ni Carla sa halos walang supply ng tubig everyday. Hahhaa.”

“Sa true!!!!! Grabe maningil mga yan pero grabe din ang agos ng tubig nila. Parang naputulan ka din ng tubig. Di pa yan matitinag ha. Kahit napakadami na atang sumumpa sa kanila, wala silang pake. Dedma sa basher ika nga.”

“Nice response Miss Carla.”

“Lakas maningel akala mo malinis sinusupply at lage may patubig

Sa Marilao sinusupply nila deepwell navpapa gen set ng deepwell tapos may minimum 350. Gamitin mo o hindi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang marami na ang nagrereklamo sa Villar-owned utility company kaugnay sa mataas na singil sa kabila ng madalas na walang supply ng tubig at palaging pagkakaroon ng service interruptions lalo na sa Bulacan, Cavite, Bacolod, at ilan pang mga lugar.

Samantala, wala pa namang pahayag ang PrimeWater sa pag-call out sa kanila ni Carla.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng kumpanya hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »