Gatchalian pinapaasunto ang bumaligtad na testigo vs Quiboloy
SA paniniwalang “sampal” sa Senado bilang institusyon ang pagbibigay ng maling testimonya, nais ni Senator Sherwin Gatchalian na masampahan ng kasong perjury ang lalaking ilang ulit na tumestigo laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni Gatchalian na nanumpa si Michael Maurillo, alias Rene, na magsasabi ng buong katotohanan sa kanyang unang pagharap sa Senado bilang testigo sa Senate Committee on women, children, family relations and gender equality.
Ang komite, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, ang nagsagawa ng mga pagdinig kaugnay sa mga diumanoy pang-aabuso ni Quiboloy sa mga babae at bata na miyembro ng itinatag niyang Kingdom of Jesus Christ.
Baka Bet Mo: Win Gatchalian ‘no comment’ sa chikang hiwalay na sila ni Bianca Manalo
View this post on Instagram
Ilang beses na tumestigo si Maurillo laban kay Quiboloy.
Diin ni Gatchalian binigyan ng pagkakataon si Maurillo na malayang makapagsalita sa mga pagdinig para malaman ang katotohanan at makamit ang hustsya.
Kamakailan, kumalat ang video ni Maurillo at pinaratangan niya si Hontiveros ng panunuhol para siraan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte at Quiboloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.