Nanay hindi boto sa dyowa ng anak: Cashier siya sa drugstore

Nanay hindi boto sa dyowa ng anak: Cashier siya sa kilalang drugstore

Ervin Santiago - June 25, 2025 - 12:05 AM

Nanay hindi boto sa dyowa ng anak: Cashier siya sa kilalang drugstore

Stock photo

PARANG eksena sa teleserye at pelikula ang rebelasyon ng isang nanay tungkol sa girlfriend ng kanyang anak – hindi raw siya boto sa babae.

Isa-isang ibinahagi ng nanay kung anu-ano ang dahilan kung bakit ayaw niya sa dyowa ng anak niyang lalaki kasabay ng paghingi ng payo sa mga netizens.

Nagpadala siya ng letter sa Facebook page na Peso Sense pero nakiusap siya na huwag nang banggitin ang pangalan niya para protektahan na rin ang anak at dyowa nito.

Narito ang kabuuang liham ng problemadong ina.

“Manghihingi lang po ako ng payo tungkol sa problema ko. Ito ay tungkol sa kasalukuyang GF ng anak ko. Hindi ako boto sa GF niya ngayon.

“Ako po ay isang Nanay n lahat n lang yata ng mabuti ay ginawa at gagawin para magkarooon ng maayos n future ang anak ko. Hindi ako perpekto, pero buong buhay ko, pinagsikapan kong mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

“Nag-sideline ako para dumami ang income at makapag-aral sa maayos na paaralan ang anak ko. Nagtinda ako ng RTW, kakanin, Avon, kahit anong pwedeng pagkakitaan pinasok ko, mapagtapos lang siya sa mgandang paaralan.

“Ngayon unti-unti nang nagiging maayos ang buhay niya at nakapagtapos na at may magandang trabaho. Akala ko magtutuloy tuloy n ang pagganda ng buhay niya. Pero para akong binangungot.

“Kasi ang kapalit pala ng paghihirap ko ay isang babaeng sa palagay ko ay magiging hadlang sa anak ko para marating pa ang kanyang mga pangarap.

“Ordinaryong babae lng ang girlfriend niya. Hindi naman sa hinuhusgahan at minamaliit ko, pero kita mo pa lang sa pananamit, kilos, at pananalita. Mahilig mag tiktok at alam mong liberated, ramdam ko na hindi siya nababagay sa anak ko.

“Hindi ko talaga alam kung bakit sya ang napili ng anak ko eh marami naman jan na babae na mas maayos at disente. Nagwo-work siya as cashier sa isang kilalang drugstore.

“Oo, wala dapat akong pakielam sa lovelife nila pero bilang isang ina, nararamdaman ko na ang GF niya ang magiging hadlang para makamit nya ang mga pangarap niya kaya feeling ko ay dapat akong makielam.

“Pagdating sa ugali, mabait naman ang babae, malambing at maasikaso sa anak ko. Siguro nga yun ang plus factor niya. Pero hindi sapat ang mabait, malambing, at maalaga lang di ba? Dapat may kasamang direksyon sa buhay di ba at may pangarap din!

“Nakausap ko yung bestfriend na anak ko, nalaman ko na minsan na pala silang nagkaroon ng tampuhan ng gf nya kasi hindi raw makapag-ambag si GF sa mga out-of-town trips nila. Anak ko pa ang nagbayad ng lahat, pati pamasahe, pagkain, pasalubong.

“Bawat okasyon din anak ko lang din daw ang nagbibigay ng regalo. Yung babae ang dahilan, bread winner sa pamilya. May 2 pang kapatid na pinag-aaral. May pambili ng make-up at mga damit online pero di man lang mabigyan ng kahit na simpleng regalo ang anak ko.

“At heto pa ang matindi, atat na atat daw ang babae na mag-open ng joint savings account. Para saan? Feeling ko yung anak ko lang ang maghuhulog sa ipon na yun kasi siya lang ang may maayos na trabaho. Ano ang iaambag ng babae eh sakto lang ang kita nya sa araw araw minsan nga kulang pa.

“Ang itatanong ko lang mali ba ako na manghimasok sa lovelife ng anak ko kung alam ko na mapapahamak sya balang araw?

“Ayokong pagsisihan ng anak ko ang magiging desisyon niya balang araw kaya ngayon pa lang gusto ko ng mamulat siya sa katotohanan. Sayang ang panahon, marami pang makikilalang mas matino at disentent babae ang anak ko.

“Nasubukan ko nang kausapin ang anak ko pero ang sagot niya sa akin mahal niya raw at masaya siya. Dito ko napatunayan na totoo pala ang kasabihan na ‘love is blind.’

“Naniniwala ako na hindi lang ‘love’ ang bumubuhay sa isang relasyon? Paano kung magkasakit siya? Paano kung mawalan siya ng trabaho? Puro ‘love’ na lang ba? Hindi naman maipambabayad ang love n yan.

“Ayoko pong maging kontrabida sa paningin ng lahat. Pero ayoko ring manahimik habang unti-unting napupunta ang anak ko sa buhay na hindi ko pinangarap para sa kanya.

“Walang ina ang gugustuhing mapahamak ang kanilang anak. Mothers know best! Ang mga anak na hindi marunong makinig sa magulang ay ang kadalasang napapahamak.

“Ano ba ang pwede kong gawin para matigil na ang kahibangan ng anak ko at maging maayos ang buhay nya? TY sa mag advice,” ang litanya ng sumulat ng nanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga ka-BANDERA, pasok! Give na kayo ng reaksyon at advice kay nanay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »