Anthony Jennings umaming malungkot ang puso, walang dyowa ngayon

Anthony Jennings umaming malungkot ang puso, walang dyowa ngayon

Anthony Jennings

MALUNGKOT ang puso ngayon ng isa sa cast ng seryeng “Incognito” na si Anthony Jennings dahil wala raw nagpapasaya sa kanya.

Ito ang inamin ni Anthony na gumaganap na Tomas Guerrero sa “Incognito” nang sumalang siya sa lie detector test sa pamamagitan ng polygraph machine.

“Is your heart happy?” tanong ni Ian Veneracion na gumaganap naman bilang si Contractor sa naturang Kapamilya serye.

Mabilis na sagot ni Anthony, “No.”

“No” rin ang sagot ng aktor sa tanong ni Ian na, “Is someone making you happy?”

Parehong thumbs up ang sagot ng operator ng lie detector machine sa mga sagot ni Anthony na ang ibig sabihin ay  walang girlfriend ngayon ang aktor.

Wala ring na-ghosting si Anthony at umayon ang polygraph machine dahil ang totoo ay siya raw ang na-ghost.

Natawa si Ian sa tanong niyang, “Have you ever stalk an ex-girlfriend in social media?”

Sinagot ni Anthony ng “No”, pero giit ni Ian, “No, ever? Kahit silipin mo lang ang status niya sa social media?”

Tumawang sagot ng aktor, “Yeah, na-scroll ko lang, okay?  So the answer is yes.”

“Buti naman at honest ka,” sambit ni Ian.  Kasi nga alam niya ang nangyayari sa kanila sa taping ng “Incognito.”

Walang pagsisisi sa lovelife niya si Anthony pero binara siya ni Ian ng, “Sigurado ka?” at sabay thumbs up ng operator.

Natawang pag-amin ni Anthony, “Siguro meron, but I try to accept it.”

Tulad ng leading lady ni Anthony na si Maris Racal, ay may nakatrabaho rin si Anthony na ayaw niyang makita sa set.

Inamin ng aktor na enjoy siya sa “Incognito” at satisfied siya sa role niya bilang Tomas Guerrero.

Read more...
OSZAR »