Utang ng Pilipinas patuloy sa paglobo, umabot ng P16.75-T
PANIBAGONG record-high na naman ang naitala matapos ang paglobo lalo ng utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng April 2025.
Ayon sa Bureau of Treasury, umabot na sa P16.75 trillion ang debt ng Pilipinas at tumaas ito ng 0.41% o P68.69 billion mula sa nai-record na P16.68 trillion noong March 2025.
Baka Bet Mo: Tanong: Makatarungan bang singilin pa ang dyowa sa inutang na pera?
View this post on Instagram
Parte ng utang ng Pilipinas ang domestic debt na umabot ng P11.59 trillion na nangangahulugangtumaas ng 1.85% o P211.02 billion.
Bumaba naman ang external debt ng gobyerno na nagkakahalahang P5.16 trillion mula sa P5.30 trillion noong Marso.
Sinisigurado naman ng Bureau of Treasury na sinusunod pa rin nila ang “disciplined debt strategy”.
“The government continues to follow a disciplined debt strategy, ensuring that borrowings support productive investments while keeping fiscal sustainability,” lahad ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.