Krishnah Gravidez itinanghal na Miss World Asia: ‘Making history!’

Krishna Gravidez itinanghal na Miss World Asia & Oceania: ‘Making history!’

PHOTO: Instagram/@msworldphil

GUMAWA pa rin ng kasaysayan ang ating pambato sa Miss World 2025 na si Krishnah Gravidez!

Matapos kasing koronahan ang bagong reyna from Thailand na si Suchata Chuangsri, ang Pinay beauty queen naman ang itinanghal na Miss World Asia.

Bongga ‘di ba, kahit natapos ang international journey niya sa Top 8 finalists, may dala-dala pa rin siyang titulo para sa ating bansa.

Kaya naman lalo pa siyang pinagmamalaki ng Miss World Philippines Organization at ibinandera pa sa Instagram ang kanyang achievement.

Baka Bet Mo: Krishnah Gravidez sa Miss World journey: ‘Destiny always finds a way’

“From the very beginning of the 72nd Miss World competition, you showed the world the heart, spirit, and strength of a true Filipina,” bungad sa caption sa isang post.

Patuloy pa, “Your grace, intelligence, and unwavering dedication made us all proud every step of the way. You didn’t just compete — you shined.”

Mensahe pa sa Pinay beauty queen: “Thank you for raising our flag with honor and making history.”

Narito ang iba pang continental queens ng Miss World 2025:

 

 

 

Samantala, isang Pinay pa lang ang nakakapag-uwi ng korona ng Miss World at siya’y walang iba kundi si Megan Young na nagwagi noong 2013.

Read more...
OSZAR »