‘Sadako Girl’ na lumabas sa kanal sa Makati, binigyan ng P80k
MAKAKATANGGAP ng P80,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tinaguriang “Sadako Girl” ng netizens matapos itong biglang lumitaw sa isang kanal sa isang street sa Makati kamakailan.
Matatandaang naisulat namin nitong Huwebes, May 29, na natunton na ng mga kawani ng naturang ahensya ang babae na kinilalq bilang si “Rose”.
Ngayong Biyernes, May 30, ibinahagi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magbibigay sila ng P80k sa naturang babae.
“Ang magiging intervention natin kay Rose, pangarap daw niya kasing magkaroon ng tindahan at sa assessment ng ating social worker ay kaya naman niya,” saad ng DSWD secretary.
Baka Bet Mo: ‘Sadako Girl’ na lumabas sa drainage natukoy, nakausap na ng DSWD
View this post on Instagram
Pati na rin ang partner ni Rose na si alyas Jerome ay dadalhin rin sa DSWD para matulungan.
Dagdag pa ni DSWD Sec. Gatchalian, “Si Jerome, ang kanyang partner, ay dadalhin din niya sa atin baka matulungan sa training dahil marunong mag-welding.
“So, baka matulungan sa pagbili ng welding machine para ‘yong kita nilang dalawa mas maging stable.”
Makikipagtulungan naman si Rose sa DSWD para makumbinsi ang iba pang mga naninirahan sa kalsada na pumunta sa Pag-abot Center para mabigyab ng tulong.
Base sa latest update ng DSWD ay nakapamili na si Rose ng kanyang mga paninda kasama ang mga kinatawan mula sa ahensya.
“Nakabili na si Rose, ang babaeng nag-viral matapos makuhanan ng litrato na lumalabas sa sewage sa Makati City, ng mga paninda para sa sisimulan niyang sari-sari store na bahagi ng livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ang matagal nang kahilingan ni Rose, ang magkaroon ng sariling tindahan bilang pangkabuhayan para matustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan at hindi na muling mangalakal.
“Gaya ni Rose, patuloy ang DSWD Pag-abot Team sa pagre-reach out sa iba pa nating mga kababayang naninirahan sa kalsada, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking mabibigyan sila ng tamang interbensyon, kalinga, at pagkakataong makapagsimulang muli.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.