Charo Santos sinigaw-sigawan ni Direk Irene sa shooting ng ‘Only We Know’

Dingdong Dantes, Charo Santos at Irene Villamor
SINIGAWAN ng direktor na si Irene Villamor ang award-winning veteran actress na si Charo Santos sa shooting ng pelikula nilang “Only We Know.”
Ito ang rebelasyon ng dating presidente at CEO ng ABS-CBN nang mapag-usapan ang ilan sa hindi niya malilimutang experience while filming her latest movie opposite Dingdong Dantes.
Hindi raw napigilan ni Direk Irene na masigawan si Charo habang kinukunan ang isa sa mga highlights ng kanilang movie.
“In one of the scenes, Direk Irene couldn’t hold back and screamed at me. ‘Ano ba, Ma’am Charo? Hindi ka rito, Ma’am Charo!’
“E, sinisigawan ka na, ano pang gagawin mo? ‘Ma’am Charo, hindi ka rito takot na babae, matapang ka rito. You are Betty!'” ang pagbabahagi ng premyadong aktres.
Sa kuwento ng “Only We Know,” gagampanan ng aktres ang karakter ni Betty na mai-involve sa karakter ni Dingdong as Ryan. Sa trailer, makikitang magkakaroon ng “relasyon” ang dalawa sa kabila ng agwat ng kanilang edad.
View this post on Instagram
Sey ni Direk Irene, napakaraming “first” na ginawa si Charo sa naturang pelikula, kabilang na ang pag-inom ng totoong alak sa eksena kasama si Dong at ang kanilang camping scene.
“Sa mga artista, mahirap mag-hit ng spot kung paano sila mag-o-open up, paano ilalabas yung pain?” sabi ng direktor.
Pero kahit anong pilit ang gawin ng ilang members ng press sa naganap na media launch ng “Only We Know” kamakailan ay ayaw talaga nilang magbigay ng patikim sa kanilang intimate scenes at love scenes.
“This is an unconventional love story. It defies the traditional definition of falling in love,” sabi pa ni Ma’am Charo.
Showing na ang “Only We Know” sa mga sinehan nationwide simula sa June 11 mula sa Star Cinema, Cornerstone Studios, AgostoDos Pictures at 7K Entertainment.
Nasa cast din ng “Only We Know” sina Shamaine Buencamino, Joel Saracho, Al Tantay, Max Collins, Soliman Cruz, Isabel Oli, Johnny Revilla, Rafa Siguion Reyna, Yesh Burce, at Gil Cuerva.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.