Angelica 1st time sasabak sa teatro: ‘Hindi ko akalaing darating sa buhay ko!’

Angelica 1st time sasabak sa teatro: ‘Hindi ko akalaing darating sa buhay ko!’

PHOTO: Instagram/@iamantoniopapa

HANDA nang ipamalas ni Angelica Panganiban ang kanyang husay sa pag-arte sa entablado!

Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay sasabak siya sa mundo ng teatro.

Ang kanyang upcoming theater debut ay pinamagatang “Don’t Meow for Me, Catriona.”

Ang exciting news na ‘yan ay proud niyang ibinandera sa isang Instagram post kamakailan lang, kalakip ang isang poster at ilang pictures niya with cast.

Baka Bet Mo: REVIEW: Sue Ramirez pasabog, ibang level sa ‘Little Shop of Horrors’

“Isang oportunidad na hindi ko akalaing darating sa buhay ko,” bungad niya sa caption.

Pakiusap pa niya sa followers, “Sana, buong puso ninyo kong tanggapin at bigyan ng pagkakataon sa entablado.”

“Nagtatrabaho, at tinatrabaho, Angge [red heart emoji],” aniya sa IG.

Sa comment section, mababasa na maraming kapwa-artista ang natuwa sa kanyang bagong milestone.

Kabilang na riyan sina Iza Calzado, Ria Atayde, Hershey Neri, Jasmine Curtis-Smith, pati na ang direktor na kaibigan niyang si Andoy Ranay, at ang beteranang aktres sa teatro na si Joanna Ampil.

Para sa kaalaman ng marami, “Ang Don’t Meow for Me, Catriona” ay isinulat ni Ryan Machado at ididirek naman ni Toni Go-Yadao.

Ang dula ay itatanghal sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng Cultural Center of the Philippines sa Pasay mula June 14, 19, 20, 25 hanggang 29.

Bahagi ito ng Virgin Labfest festival na naglalayong ipakilala ang mga “untried, untested and unstaged plays” sa mas maraming audience.

Read more...
OSZAR »