Kim Chiu, Paulo Avelino nagpakilig, nakipagkulitan sa fans sa mall event

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez
MULING pinatunayan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na sila ang ultimate kilig tandem para sa maraming fans!
Kamakailan lang, ang KimPau love team ay bumandera sa isang mall event sa Mall of Asia sa Pasay City.
Nasaksihan ng BANDERA na talagang sabik na sabik ang fans na makita sila kung saan dinumog pa nga ang kanilang event at maririnig ang malalakas na todo hiyawan.
Bukod sa meet-and-greet, naghandog sina Kim at Paulo ang live performances na talagang nagpakilig to the bones sa buong crowd!
Baka Bet Mo: Paulo Avelino hindi naniniwala sa love language, Kim Chiu super react!
Nagkipagkulitan din sila sa ilang hardcore fans kung saan ay naglaro sila ng ilang mini games.
Sabi nga ng dalawa, nakumpleto ang kanilang summer na parang Halo-Halo Supreme na sinamahan ng special ingredients tulad ng ube halaya, leche flan, at red sago.
Ang nasabing ganap ay bahagi ng grand finale ng Chowking’s Halo-Halo Land tour na naglibot sa iba’t ibang mall sa Pilipinas.
At ang SM Mall of Asia ang naging closing nila na nagpakilig ng libo-libong solid fans.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.