PORMAL nang ipinroklama ang mga nanalong senatorial candidates sa 2025 midterm elections na kilala sa tawag na “Magic 12”.
Ngayong Sabado, May 17, ginanap ang naturang proklasyon ng mga bagong nakasungkit sa 12 Senate seats.
Base sa final official canvass na inilabas ng Comelec ay pinangunahan nina Bong Go, Bam Aquino, Bato dela Rosa, Erwin Tulfo, at Kiko Pangilinan ang mga nagwaging senador.
Baka Bet Mo: Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec; Bong, Bam, Bato nangunguna
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwaging senador:
Top 12 senators-elect
Bong Go (PDP-Laban) – 27,121,073 (6.33%)
Bam Aquino (KNP) – 20,971,899 (4.89%)
Ronald “Bato” dela Rosa (PDP-Laban) – 20,773,946 (4.85%)
Erwin Tulfo (Lakas) – 17,118,881 (4.00%)
Kiko Pangilinan (Liberal Party) – 15,343,229 (3.58%)
Rodante Marcoleta (Independent) – 15,250,723 (3.56%)
Ping Lacson (Independent) – 15,106,111 (3.53%)
Tito Sotto (NPC) – 14,832,996 (3.46%)
Pia Cayetano (Nacionalista Party) – 14,573,430 (3.40%)
Camille Villar (Nacionalista Party) – 13,651,274 (3.19%)
Lito Lapid (NPC) – 13,394,102 (3.13%)
Imee Marcos (Nacionalista Party) – 13,339,227 (3.11%)
Hindi naman kumpleto sa proklamasyon ng Comelec ang Magic 12 dahil hindi nakadalo ang nagbabalik sa Senado na si Atty. Kiko Pangilinan.
Base sa kanyang inilabas na pahayag ay hindi ito nakadalo dahil kasalukuyan silang nasa Estados Unidos para sa graduation ng anak na si Frankie Pangilinan.