
Stock photo
PROBLEMADO ngayon ang isang female netizen sa kanyang lovelife dahil naiipit siya sa dalawang lalaking pareho nang napamahal sa kanya.
Nag-share ng kanyang sitwasyon si Ate Gurl sa pamamagitan ng Facebook page na Peso Sense kung saan ibinahagi nga niya ang “pakikipagrelasyon” sa dalawang lalaking nakilala niya online.
“Hello! Please hide my identity. Wag niyo sana ako husgahan.Gusto ko kasi manghingi ng advice sa inyo. Sana mapost ni admin thank you.
“Ganito kasi yun may kachat ako taga US magatal na kami nag uusap 4yrs na. Lagi naming pinag uusapan na pag visit niya dito sa pinas papakasal kami tapos dalhin niya ako sa bansa nila. Hindi nawawala sa conversation namin yun mapachat man or video call.
“Sa tagal namin mag usap hindi ko kilala parents niya hindi rin ako pinakilala sa parents niya pero nagsend lang ng picture silang magkakapatid,” simulang pagbabahagi ng netizen.
Patuloy niya, “Minsan on and off yung pag-uusap namin. Sa 4yrs namin walang money involved kasi may work naman ako at never din ako nanghihingi sa kanya ng pera!
“Bigla ko lang talaga naisip na 4yrs ko na siyang inantay baka sayang lang yung oras ko sa kanya kasi di rin naman ako nakikipag date sa iba tapos paano pala pag hindi talaga siya pupunta ng pinas sayang yung years nilaan ko sa kanya.
“At ilang beses ko na din sinabihan na stop nalang kami kasi ilang taon na din kami nag usap pero nauumay ako sa puro plano at di nawawala yung kasal sa usapan,” chika pa niya.
Sinubukan daw niya uling mag-try sa dating site at in fairness, marami naman siyang naka-match at maraming nakausap pero tinatamad siyang mag-reply dahil uulit na naman daw siya sa umpisa.
“Hanggang sa binura ko yung apps kasi mag focus nga ako doon sa 4yrs ko nakakausap pero minsan di rin kasi nag memessage hangang sa nag DL ulit ako at may nakausap ako (AKA YELLOW) after namin mag usap ng isang buwan kasi araw-araw talaga nagmessage.
“Hanggang pumayag na ako makipagkita at kumain kami sa labas hanggang sa nasunod -sunod na tapos naging kami nainlove na ako sa kanya kasi sobrang bait niya talaga at napaka gentleman niya pa .
“Pinakilala niya ako sa parents niya ok lang sa mama niya sa dad lang may probs ayaw nang-ibang lahi gusto yung girl kalahi at taga sa kanila. Mag anniversary na kami next month napamahal na ako sa kanya siya rin naman laging pinaparamdan sakin na mahal niya ako at walang ibang babae.
“Pero hindi niya ako pwdi pakasalan kasi uuwi din daw siya sa bansa nila. Napag-uusapan kasi namin yung ganyan bagay..kahit baliktarin ko man mga tanong ko sa kanya wala talaga sa plano na isama ako.
“Sayang lang kasi gusto ko siya maging asawa na nakikita ko kasi siya kanya na ok siya maging tatay. Pero siya susundin niya daddy niya at nag iisang anak lang din kasi siya.
“Ito na biglang nag chat yung tag US pupunta na daw dito para makilala family ko may stay daw siya mga 1 month at papakasal na daw kami at asikasuhin daw mga papers ko maybe next month pero di pa sure yun kasi lagi naman plano punta ng pinas tapos di natutuloy yun lagi kong pinang hahawakan na uuwi daw siya ng pinas.
“Pero this time nagdalawang isip na ako na mag Go ba sa nakakausap ko ng apat na taon or sa taong napamahal ako pero walang plano mag settle down.
“Same naman silang dalawa no money involved. Seryoso relasyon lang talaga gusto ko. Sana mabigyan niyo po ako ng advice!” ang buong kuwento ni Ate Girl.
Oh, ayan mga ka-BANDERA, chance n’yo nang payuhan nang bonggang-bongga ang problemadong netizen about her lovelife. Go, go, go!