Bong Revilla todo pasasalamat sa pag-endorso ng Iglesia ni Cristo

Bong Revilla todo pasasalamat sa pag-endorso ng Iglesia ni Cristo sa eleksyon

PHOTO: Facebook/Ramon Bong Revilla, Jr.

TODO ang pasasalamat ni reelectionist Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pag-endorso ng Iglesia ni Cristo (INC).

Sa isang Facebook post, napa-shout out si Bong kay Ka Eduardo Manalo, ang executive minister ng INC.

“Maraming salamat po kay Kapatid na Eduardo Manalo at buong Iglesia ni Cristo sa inyong patuloy na tiwala sa akin, tungo sa inyong kapasyahan na ako po’y muli ninyong suportahan sa ating pagpapatuloy na manilbihan sa bayan” sey ng kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Dagdag pa ng senador, “Hindi ko po sasayangin ang inyong suporta at paniniwala sa akin.”

Baka Bet Mo: Bong Revilla 2 parangal ang natanggap bilang public servant

 

Nabatid na bukod kay Revilla, may pito pang kandidato ang inendorso ng INC at inaasahan na isasapubliko ang mga ito ngayong araw, May 9.

Read more...
OSZAR »