5-anyos tinali, nilagyan ng masking tape sa bibig ng teacher

5-anyos na estudyante tinali, nilagyan ng masking tape sa bibig ng teacher

Ervin Santiago - May 07, 2025 - 01:19 PM

5-anyos na estudyante tinali, nilagyan ng masking tape sa bibig ng teacher

Photos from Shaney Pepito Facebook page

TINALI umano ng kanyang teacher at nilagyan pa ng masking tape sa bibig ang isa niyang estudyanteng nasa kindergarten level pa lamang.

Galit na galit ang mga netizen sa viral post ng isang nanay sa Facebook kung saan inilahad nito ang masaklap na karanasan umano ng kanyang 5-anyos anak na babae mula sa guro nito.

Ibinahagi ng Facebook user na si Shaney Pepito ng Bataan, ang sakit na naramdaman nang madiskubre ang pang-aabuso sa anak ng mismong teacher nito sa isang private school.

Aniya, bukod daw sa anak niya, may iba pa raw naging biktima ang naturang guro. Sa katunayan ang ilan raw sa mga ito ay nasa college na ngunit hindi pa rin daw makalimutan ng mga ito ang pang-aabuso sa kanila ng naturang teacher.

Narito ang bahagi ng Facebook post ni Shaney, “GAANO KASAKIT SA MAGULANG MALAMAN YUNG GANITONG EXPERIENCE NG ANAK FROM SCHOOL?

“TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT, TRAUMA AND MENTAL HEALTH TALKS,” ang simulang bahagi ng post ng ina.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya pala araw araw nagwawala anak ko ayaw pumasok sa school, ayaw daw niya sa Teacher niya dahil may ganitong nangyayari pala.

“This is a confession from my daughter and her classmate 5 year old. A shocking revelation… A nightmare that I can’t get over.

“This happened in one of the PRIVATE PRESCHOOLS in LALAWIGAN SAMAL BATAAN (2024-2025),” rebelasyon pa ng nanay.

Ini-report na raw ni Shaney ang nangyari sa Department of Education (DepEd)-Balanga, “Awaiting for the response of DEPED BALANGA. Already talk to the BOARD OF DIRECTORS of the school but they were told (mahirap naman paniwalaan ang mga bata sa mga ganyang sinasabi).

“To the Mommies who told me na sana nagpatawad nalang ako, hindi ko kaya hanggat hindi humihingi ng SORRY man lang yung mga teachers na gumawa nito sa anak ko, lahat tayo pinagkatiwala sa school yung mga anak natin pero hindi simpleng bagay to,” sabi pa.

Tinanong daw sa kanya ng anak, “‘Mommy yung Teacher ko ba sa grade 1 itatali din ako?’ And that question cut deep!’

“Sorry anak naging busy si Mommy sa work hindi ko namalayan na ganyan na nangyayari sayo,” post pa ni Shaney.

Sa isang video na ibinahagi ng nanay sa FB makikita ang pagmuwestra ng batang biktima sa umano’y pagtali at paglalagay ng masking tape sa kanyang bibig.

Makikita rin dito ang ilang screenshots  ng palitan ng mensahe ng nanay, ng guro at ng prinsipal ng paaralan.

Wala pang inilalabas na official statement ang naturang eskwelahan dahil iniimbestigahan na raw ang reklamo ng nanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakipag-ugnayan na rin ang BANDERA kay Shaney Pepito para sa karagdagang detalye hinggil sa kaso ng kanyang anak ngunit wala pa rin kaming natatanggap na tugon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »