Arci Muñoz muntik mabulag, mukha tumama sa mikropono habang kumakanta

Arci Muñoz muntik mabulag, mukha tumama sa mikropono habang kumakanta

Arci Muñoz

DAHIL sa-one-on-one interview ni Toni Gonzaga kay Arci Muñoz sa kanyang “Toni Talks” vlog ay hindi na namin halos makikilala ang aktres.

Sa tuwing naririnig naming nabago ang mukha ni Arci dahil sa kakaretoke ay hinahanap namin ang mga lumang larawan niya sa internet at isa kami sa nagtataka kung bakit pa niya ipinabago, e, maganda na naman siya noon?

May dahilan naman pala ito, dahil sa isang freak accident noong 2014 na muntik na niyang ikabulag – tumama ang mukha niya sa mikropono habang kumakanta kasama ang bandang Philia.

“Since metal band ate (tawag kay Toni), there’s a mic stand in front of me, siyempre head bang ganyan, pag head bang ko sa mic, sumaksak sa mukha ko like here (nose) and eyes sa eyelid (kaliwang mata) and my nose was open, broken cartilage,” pagmumuwestra ng aktres kay Toni.

Tanging nasambit ng host, “Major procedure, e, artista ka pa naman!”

“I know and that was during the Pasion de Amor and I thought I’m gonna lose the role. After the incident, nag-look test kami. Nakatakip, naka-bandage (mukha) kasi hindi pa puwedeng i-reconstruct, eh.

“Kasi kailangan pang kumuha ng cartilage (sa ibang bahagi ng katawan), kasi it’s a major operation talaga,” pagbabalik-tanaw ni Arci.

At habang tinatahi na ang kanyang mukha ay nagising daw siyang bigla, “Sabi ko, ‘ano ‘to? May sinulid, tinatahi ang mukha ko. Ha-hahaha!

“Sabi ng ex (boyfriend) ko, ‘you’re now an official rockstar!’ How can you laugh at this matter?’ sabi ko, ‘It’s my face. And then the doctor said, ‘do you want to do it now (surgery)?’ kuwento ni Arci.

Hindi pumayag ang dalaga na gawin na ang surgery pero ayon sa doktor ay kailangan na niyang magdesisyon pagkagising niya (hilo pa dahil sa anesthesia).

At pagkatapos nga ng surgery ay nag-iwan pa rin ito ng marka na napansin ni Toni, “Oo ate, kasi bukas ‘yan (nose) tapos glinue (dinikitan ng glue).”

Napahawak na lang si Toni sa dibdib niya sa narinig na kuwento ni Arci sa tindi ng sakit na naramdaman nito noon.

“And when I saw my mom crying it broke my heart kasi, oo nga it’s my face and this is my job. I’m so-so grateful to God kasi sabi ng doctor, ‘buti hindi ka nabulag, buti hindi pumasok ‘yung mic stand (sa mata). Sabi ko, ‘yeah God is really good, he saved me that day,” pahayag ni Arci.

Tanong ni Toni, “And in this day and sa society na mayroon tayo ngayon, what is your stand on enhancing someone’s beauty?”

“When I had my first surgery, it’s okay because I wanna boost my confidence and I was pretty young and I really need guidance during that time. Feel like, for me I just did it for myself, I wanna do it. I wanna enhance what is God is already given me,” say ni Arci.

Dati raw ay kung anu-ano ang ipinagagawa niya hanggang sa may mga pumipigil na sa kanya dahil okay naman na siya at maganda na, hindi na kailangan pa ng additional enhancement.

At dahil sa mga pinagdaanan niyang surgery ay sa kanya na nanghihingi ng payo kung ano ang gagawin na ang laging sagot niya ay, “No! Don’t do it. Dyotox (botox) na lang.”

Abangan ang part 2 and 3 ng panayam kay Arci tungkol sa pagpasok niya sa showbiz, ang pagko-condemn sa kanya dahil daw sa pagrerebelde at ipa pa.

Read more...
OSZAR »