Michael de Mesa feeling 'honored' na nakasama sa Batang Quiapo

Michael de Mesa feeling ‘honored’ na nakasama sa Batang Quiapo: ‘Inabangan ko ‘to!’

Reggee Bonoan - April 19, 2025 - 10:44 AM

Michael de Mesa feeling 'honored' na kasama na sa BQ: 'Inabangan ko 'to!'

PHOTO: Instagram/@mdemesa24

ISA ang beteranong aktor na si Michael de Mesa sa paboritong ka-trabaho ni Coco Martin kaya naman muli niya itong isinama sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Matatandaang ilang taon din ang exposure ni Michael sa FPJAP at pagkalipas nang dalawang taon at sa pagbubukas ng Book two ay heto’t kinuha ulit siya ni Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo “bilang si Paeng Benito na lider ng kanyang pamilyang madurukot na binubuo nina Shamaine Buencamino, Vince Rillon, Nonong Balinan, James Caraan, Gio Alvarez (namatay na) at Andrea Brillantes.

Ibinandera ni Michael sa kanyang Instagram account ang kanyang pasasalamat na napabilang siya muli sa FPJBQ.

“It’s an honor na napasama ako sa Batang Quiapo after Ang Probinsyano, ito na ‘yung show na inabangan ko na sana mapasama ako,” bungad ng premyadong aktor.

Baka Bet Mo: Michael de Mesa 17 oras stranded dahil sa baha, inaatake na ng anxiety

Ano ba ang magandang kuwentong dulot ng Batang Quiapo?

“Ang nakalaan kasi kinabukasan ng tao. Hindi tayo puwedeng sumabay lang sa alon. Kailangan labanan ‘yung alon, we need to get involved. Alam naman natin kung ano ang nangyayari ‘di ba? Hindi natin puwedeng pabayaan.

“Importante talagang maging bahagi kung mahal natin ang ating bansa, kung mahal natin ang Pilipino kailangan maging involve tayo.

“And I’m hoping sure naman ako that the message of book two of Batang Quiapo will get to the minds and hearts of the Filipino audience,” paliwanag ng aktor.

Ano ang kuwento ng bagong yugto ng Batang Quiapo?

“Kung ‘yung book one ay bagyo, itong book two, lindol, complicated and definitely spectacular,” paglalarawan ni Michael.

Kaya inilarawan itong lindol ni Michael ay dahil ang dami-daming nabuksang back stories sa bawa’t karakter ng BQ tulad ng pamilya Guerrero sa pangunguna nina Jake Cuenca, Chanda Romero, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Angel Aquino at Albert Martinez.

Gumanap naman sina Louise delos Reyes, Jhong Hilario, bilang batang Celia ast Dante, samantalang sina Elisse Joson at Princess Lara Quigaman bilang batang Charo Santos-Concio.

Samantala, ang kasalukuyang umeereng kuwento ng Batang Quiapo ay kailangang makapandukot ang pamilya ni Michael (Paeng) ng malaking halaga para pambayad sa bahay nilang maiilit at iba pang pagkakautang.

Ang bunsong anak nitong si Andrea as Fatima ang makakasagupa ni Coco dahil hinostage nito si Coco habang nakasakay sa kanyang magarang sasakyan kung saan nakalagay ang malaking halaga para ipangtulong sa mga taga-Quiapo.

Nanatiling nasa number one slot sa primetime ang “FPJ’s Batang Quiapo” dahil kaabang-abang ang mangyayari sa bawa’t karakter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z,  TV5,  iWantTFC at TFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
OSZAR »